^

PSN Showbiz

Mariel may nadiskubre sa sarili nang manganak

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Mariel may nadiskubre   sa sarili nang manganak
Mariel

Maraming mga bagay ang nadiskubre ni Mariel Rodriguez sa sarili mula nang maging isang ina.

Matatandaang 2016 nang ipanganak ng TV host ang supling nila ni Robin Padilla na si Isabella. “I heard people say you become selfless when you become a mom, pero I didn’t know to what extent because ako, Tito Boy, aminado naman ako, I was really vain,” bungad ni Mariel.

Kinailangan pa raw magpataba ng aktres noon upang matugunan ang pangangailangan ng anak. “When I gave birth to Isabella and I didn’t have a lot of milk and I wanted to exclusively breastfeed her. Kinailangan ko talagang kumain ng sobrang dami. And tumaba talaga ako, as in super taba. Doon ko na-realize na kaya ko pa lang gawin ‘yon na medyo mawala ako. Kasi I was doing it for Isabella. I was doing it for my baby,” kwento ni Mariel.

Muling nagpapayat ang aktres bago pa bumalik sa telebisyon noong May.

Sharon hindi inasahang makakabalik pa

Masayang-masaya si Sharon Cuneta dahil namamayagpag sa ratings ang Your Face Sounds Familiar kung saan ay isa ang aktres sa mga hurado.

Hindi raw inakala ni Sharon na muli siyang makakabalik sa telebisyon at pelikula matapos ang ilang taong pamamahinga niya sa trabaho. “I took a long break, I got fat. Akala ko tapos na. And then God in His goodness gave me another chapter,” pagtatapat ni Sharon.

Noong isang taon ay tuma­bo nang husto sa takilya ang comeback movie ng aktres na Unexpectedly Yours na pinagbidahan nila nina Robin Padilla, Joshua Garcia at Julia Barretto. “Everyone naman goes through that, kahit sa Hollywood. Tapos magugulat ka na lang may hit na uli. Gano’n ang ginagawa ni Lord sa ‘kin. Ang taba ko pa noong Unexpectedly Yours,” nakangi­ting pahayag ng Megastar.

Samantala, aktibo ang aktres sa social media upang mas mapalapit sa kanyang mga tagahanga.

Mayroong Facebook, Instagram, Twitter at Youtube channel ang Megastar para sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanya. “The social media age is not the age I was born into, or the age which made my name, di ba? Sharon Cuneta Network, parang it’s an exciting new journey for me,” pagtatapos ng aktres.

Pagkatapos ng Your Face Sounds Familiar sa susunod na linggo ay paghahandaan na ng Megastar ang nalalapit na concert tour bilang selebrasyon ng kanyang ika-apatnapung taon sa show business. Sisimulan ang concert tour sa September 28 sa Araneta Coliseum.

vuukle comment

MARIEL RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with