^

PSN Showbiz

Fans ni Pacman nag-enjoy sa pictorial kay Matthysse

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Fans ni Pacman nag-enjoy sa pictorial  kay Matthysse

Sa Gen. Santos dumiretso si Sen. Manny Pacquiao matapos ang kanyang panalo kay Argentinian boxer Lucas Matthysse nung Linggo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Chartered plane ang sinakyan niya kasama ang pamilya at mga kababayang taga-GenSan na sumaksi sa kanyang panalo.

Kahapon din nag-uwian ang mga iba pang personalities na nanood.

Kasabay namin sa flight sina Cong. Toby Tiangco, Cong. Cutie del Mar, Korina Sanchez, Mons Romulo, Pat P. Daza at iba pa. Jampacked ang plane, walang kahit isang vacant seat dahil halos nga lahat ng mga nanood ay nagsipag-uwian na.

At ito kahapon, habang nagbi-breakfast kami sa Le Meridien Hotel kung saan naka-billet si Sen. Manny at ang buong Team Pacquiao, nakasabay naming mag-breakfast ang kanyang nakalaban. Dun pala sa same hotel ito naka-check in kasama ang Falcon K team ni Matthysse.

Kaya nang mamalayan na nandun siya, ang daming nagpa-picture. Very cool si Lucas at parang ang bait-bait. Pangiti-ngiti lang at game na game sa selfie and groufie with the fans of Pacman.

Tatlong beses napabagsak ng Pambansang Kamao si Matthysse sa kanilang laban pero mukhang wala naman siyang matinding tama. Hindi lang talaga nito kinaya ang lakas ng kamao ni Pacman.

Hotel sa KL malungkot na uli

Malungkot ang staff ng Le Meridien Hotel KL matapos ngang mag-uwian na ang mga Pinoy na nag-stay din dun ng ilang araw. Fiestang-fiesta kasi ang ambiance ng five star hotel sa pagdagsa ng mga Pinoy. At sabi ng mga staff, first time na na-overbooked ang hotel.

Wala na naman daw tao sa lobby nila.

In all fairness kasi talagang sumaya ang kapaligiran ng hotel na yun at maging ang katabi nitong Hilton. From day 1 hanggang sa victory party, high energy ang lahat.

Speaking of victory party, naka-five songs din ang People’s Champ. Ayaw na raw sana nitong mag-join dahil pagod na pero maraming naghintay sa kanya. Naki-join sa party si Senate Pres. Tito Sotto and Sen. JV Ejercito. Dumating din si Sec. And senatoriable Bong Go at siyempre ang buong pamilya Pacquiao.

Tradisyon ang victory sa tuwing mananalo ito.

Diether split na sa GF na madatung

Split na pala sina Diether Ocampo and derma expert Ms. Cathy Valencia. Parehong nanood ng Fight of Champions ang mag-ex. Iisa kasi ang manager nila, ang talent manager na si Arnold Vegafria na tumayong promoter ng MP Promotions ni Pacquiao.

May mga irreconcilable differences daw kasi kasi sa part ng girl ayon sa source.

Gerald iwas sa fans

Hindi gaanong naramdaman ang presence ni Gerald Anderson sa KL. Nagmamadali kasi siya. Pero kasama niyang nanood ang kanyang mommy at brother. At ang connect ni Gerald kay Pacman, naglalaro for Marikina Team sa MPBL ang actor. Natakot siguro si Gerald na dumugin ng fans sa Axeata Arena kung saan ginanap ang Fight of Champions.

Haters inggit sa mga nakalibre sa Malaysia

Grabe naman ang mga hater. Pinakikialaman pa nila ang pinamigay na tickets ng Team Pacquiao. Ano naman kasing keber nila dun. As if naman sila ang namigay. Sila ba ang gumastos?

‘Di ba masama ring mag-wish ng masama sa kapwa.

Kung nanlibre man ang Team Pacquiao, makikita mo naman sa taga-GenSan ang kakaibang ligaya na nasaksihan nila ang laban ng isang icon.

Hahaha. Malamang envy lang ang mga hater na ayaw makakita ng isang tao na patuloy na nagtatagumpay.

Mabait daw kasi talaga si Sen. Pacquiao kaya marami talagang siyang isinama sa Malaysia na hindi naman niya first time ginawa sa kanyang laban.

Eh kung hindi ba naman siya mabait eh di sana hindi na yung mga pastor ang pinakakanta niya sa kanyang laban. Hahaha.

TNYT parang kailangan ng magnifying glass sa liliit ng letra

Grabe parang kailangan na ng magni­fying glass pag nagbabasa ka ng international edition ng The New York Times.

Wow, ang liliit ng font, parang 10 points na lang yata. Ganda sana ng mga story pero parang pasasakitin naman yata ang ulo sa pagbabasa.

Anyway, headline sa mga newspaper sa KL ang pagwawagi ni Pacman. Yung ibang story nga nila mas malaki pa sa local newspaper natin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with