^

PSN Showbiz

Piolo tumangging mag-senador

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Piolo tumangging mag-senador
Piolo

Kung magkakaroon ng panahon ay gusto raw muling makagawa ni Piolo Pascual ng isang album. Abala nga­yon ang aktor para sa nalalapit na pagtatapos ng teleseryeng Since I Found You at isang pelikula na kanyang ipo-produce kaya walang pang oras na makagawa ng bagong album. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay puro orihinal na mga kanta ang gustong ga­wing album ni Piolo. “Filipino love songs na all originals ang gusto ko sana. Kasi I really want something original. Something na talagang magagamit ko, makakanta ko, na I can say my own,” bungad ni Piolo. “Kasi last three albums ko, Decades 1, 2, 3 parang nakanta ko ng lahat ng covers eh from different eras. So I’m really looking for songs na mas up sa edad ko saka sa market, na pwede nating masabi na hindi lang basta nag-recording ng album but something more significant. Mas singable and mas mapapakinggan ng maganda,” dagdag pa ng aktor. 

Samantala, marami na rin umano ang humihikayat kay Piolo na pasukin ang mundo ng pulitika pero tinatanggihan niya ito. “Oo naman, Senador, Mayor. Salamat, no, thank you I’m busy. Ipinagdadasal ko na lang sila. Kaya na nila ‘yan. I have a better platform in show business and I’m just going to use that if ever I want to help,” giit ng aktor. Pagdating naman tungkol sa buhay ng pag-ibig ng anak na si Inigo Pascual ay hindi raw ito pinakikialaman ni Piolo. “Sabi ko sa kanya, kung gusto niyang mauna, mauna na siya, bahala siya. Sa love life naman niya, sa kanya na ‘yon eh. I mean lalaki naman ‘yung tao,” pagtatapos niya.

Meryll isang dekada na ang mental health condition

Naibahagi ni Meryll Soriano na nagkaroon siya ng mental health condition na isang dekada na pala sa ngayon. “I’ve been diagnosed with bipolar disorder for 10 years now and it is just now that I am open to speak out about it. Kasi ngayon lang nagkaroon ng ganito. You know we have to break the stigma. We want the people to know na hindi kami mga baliw because that’s the common connotation and I am just hopeful na this will start something. That this is a global phenomenon,” makahulugang pahayag ni Meryll. “It’s just not here, even in ano­ther place, maybe a third world country, maybe a first world country, there is still stigma. I think there is a community now that is ready and it is so good to be part of that,” makahulugang pahayag ni Meryll. Hinihikayat ng aktres na humingi ng tulong ang iba pang mga tao nakararanas o nagkakaroon ng mental health condition upang malunasan ito. “Ask for help, that saved me. It saved me because help is there,” giit ng Meryll.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with