^

PSN Showbiz

Alempoy hindi nagtagal!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Alempoy hindi nagtagal!
Alempoy

Marami ang malulungkot sa mabilis na pagtatapos ng seryeng Since I Found You na binibigyan kilig ng tambalang Piolo Pascual at Arci Muñoz at binibigyan kasiyahan naman ng tambalan nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez. In two weeks time, baboo na ito sa ere. Marami kasing gusto pang gawin si Piolo. At siya ang kauna unahang bida na natutuwa sa pagtatapos ng kanyang palabas na nag-hit sa maikling panahon ng pagpapalabas nito. Gusto niyang masimulan na ang Marawi bilang prodyuser at artista. Ang dami pang ibang projects na naghihintay lamang ng kanyang availability.

Kumakain ng mara­ming oras ang serye kaya goodbye muna siya dito. Ibibigay na lamang niya ito sa maraming mas na­ka­kabatang artista. At para bigyan naman ng chance ang lovelife niya.

Daniel may kapalit na sa Marawi

Parang hindi naman malaking kawalan kung hindi magagawa ni Daniel Padilla ang Marawi nina Piolo at Robin Padilla

Hindi na artista ang hinahabol ngayon ng mga manonood kundi ang kuwento. Kaya nga ang daming gumagawa ng indie movies na sinusuportahan ng publiko at nananalo ng maraming awards lalo na sa abroad. Gustuhin man ng Teen King, wala siyang time dahil tinatapos nila ni Kathryn Bernardo ang The How’s Of Us na may playdate na sa August. ‘Di siya makalagare dahil may mga scene sila na kinukunan sa abroad. Si Piolo ay kasama rin sa Marawi pero, yung role ni Daniel ay dapat may ibang gumanap. Marami naman silang pwedeng pagpipilian.

Direk Carlo maiibsan ang pagka-miss sa asawa

Pansamantala, maiibsan ang pangungulila ni direk Carlo Caparas sa namatay niyang asawa na si Donna Villa para masuportahan at masamahan maski na in spirit lamang ang kanyang anak na babae na si Peach Caparas sa pagdidirek nito ng kanyang unang pelikula na may pamagat na Jaqueline Comes Home, tungkol sa isa sa dalawang magkapatid na babae na nawala na lamang 21 years ago. Pagbibidahan ito nina Donnalyn Bartolome at Meg Imperial. Ang isa pang anak ni direk Carlo ay sa pag-aartista naman luminya.

John excited nang makalaro ng basketball ang anak

Hindi lamang sa karera niya kuntento si John Prats, napakasaya rin ng marriage nila ni Isabel Oli. May isa silang anak na kumumpleto sa kanilang ­union, si Feather Lily na kinababaliwan niya ng husto. May isa pang ipinagbubuntis si Liv (Isabel) na isa namang lalaki na napaka-rare sa kanilang lahi na bubuo ng mas nakakaraming lalaki. Ganito kaaga ay excited na siya na makalaro ng basketball ang pinakahihintay na anak.

Ratsada rin sa pagiging direktor si Pratty. Matatagumpay ang mga dinidirek niyang concert. Excited siya sa gagawing pagdididirek ng 15th ani­versary concert ni Erik Santos sa September 22 dahil gaganapin ito sa isang napaka-laking venue, sa MOA.

It seems lumabas na ng todo ang talento niya sa pagiging direktor dahil ang daming kumukuha sa kanya para magdirek ng mga shows nila. Hoping siya na makapag-direk din ng pelikula.

vuukle comment

SINCE I FOUND YOU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with