^

PSN Showbiz

Erich nakuryente sa shooting

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Erich nakuryente sa shooting

Hindi lamang si Anne Curtis ang sumabak sa matitinding action sa pelikula niyang BuyBust, si Erich Gonzales din ay napasabak sa mga pisikal na eksena na halos ikamatay niya sa pelikulang ginawa niya para sa Pista ng Pelikulang Pilipino, ang We Will Not Die Tonight ng direktor na si Richard Somes.

Mabuti na lamang at hindi pinagtapat ng pagpapalabas ang mga pelikula nila para mabigyan ng magandang pagkakataon ang manonood na maki­ta kung gaano kagaling mag-action ang dalawa sa pinakamaganda at magaling nating artistang babae. At sino sa kanila ang mas magaling.

Nakuryente at muntik mamatay ni Erich habang nag­lalambitin sa cable ng elevator sa isang eksena sa movie. Pero, kahit nabingit ang kanyang buhay, pumayag pa rin si Erich na ulitin ang eksena nang hilingin ito ng direktor sa kanya.

Alden at Maine hindi na nag-abala sa 3rd anniversary

Makakatatlong taon na pala ang AlDub pero bakit kaya walang balitang bonggang selebrasyon ng kanilang anibersaryo sa Eat Bulaga? Di kagaya nung nakaraang taon na dumayo pa sila ng Philippine Arena para mag-remote ng EB. Tuloy na ba talaga ang paghihiwalay nila? Bukod sa magkahiwalay na paggawa nila ng recording na kung saan ay naghahanda pa lamang si Maine Mendoza ng kanyang debut album pero, nakakatatlo nang album si Alden Richards bago pa ang AlDub, habang namamayani ang loveteam nila at kahit ngayong naghihiwalay na sila.

Both are also separately managed by GMA Artist Center (Alden) and Triple A  Talent Management (Maine).

Samantala, 40 years na ng Eat Bulaga na  kinukumpitensya ngayon ng It’s Showtime. Hindi naman napag-iiwanan ang Kapamilya show ng palabas ng GMA pero, hirap sila. Mabuti na lamang at nangyari ang Tawag ng Tanghalan, bigla naging a force to reckon with ang palabas  ni Vice Ganda at mga kasama. Na-challenge ang trio nina Vic Sotto, Tito Sotto at Joey de Leon na magisip ng pangontra sa kalaban. Pero, humahamig pa rin ng maraming manonood ang segment ng EB na Akyat Bahay at Pinoy Henyo. Dapat mag-isip pa ng ibang segment ang IS para makasabay ng tuluyan sa EB.

Sobrang mahal na ang manood ng sine…

Hindi naman nabigo ang mga manonood na makitang  box-office hit ang I Love You Hater nina Kris Aquino at ng JoshLia nina Jo­shua Garcia at Julia Barretto. Maganda ang movie, very entertaining. Kahit si Kris ang bumabandila sa movie, nag-effort ang JoshLia na magpamalas ng kanilang galing sa pag-arte, mula sa pagpapatawa hanggang sa pagpapaiyak. Bagong dinig ko lang ang pangalan ni Giselle Andres bilang direktor pero, hindi naman siya pahuhuli sa mga nakilala na nating mga bago at kabataang direktor.

I Love You Hater is definitely a JoshLia movie. Hindi nagkamali si Kris na piliin sila na makasama niya sa kanyang pagbabalik pelikula. Ang dami nilang nahakot na manonood. Pero, in fairness sa Queen of All Media, nagdala din siya ng maraming tao sa sinehan, lahat ay excited na malaman kung worth it ba ang pagbabalik niya. Nakita naman ang brand of acting niya plus her beautiful costume at yung nagkikislapang mga alahas niya.

Kahapon ko lang na-realize na ang mahal na palang manood ng sine. Unang balak kong manood sa Vertis North dahil may gusto akong italian restaurant dun pero, mahal ang bayad sa tiket, P400. Mas mura sa Fairview Terraces na sumisingil lamang ng P230. Naglanding kami sa Trinoma na nagbayad kami ng P280. Paano kung mahigit sa isang pelikula ang gusto kong panoorin, aabot na kami ng dalawang kasama ko ng dalawang libo. Kung ako na pensyonado ay namamahalan sa bayad paano pa ‘yung mas wala pa kaysa sa akin, magkakasya na lamang sila ng panonood sa TV.

vuukle comment

ERICH GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with