^

PSN Showbiz

Mga hiningan ng tulong iniwan sa ere, female personality umatras sa gitna ng laban

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa susunod na pagkakataong lumapit sa kanyang mga kaibigan at katrabaho ang isang kilalang female personality tungkol sa kanyang mga problemang personal ay baka wala nang makinig pa sa kanyang mga sumbong.

?Kailangan na niyang maghanap ng mga taong tutulong sa kanya dahil nadala na ang mga nauna niyang pinagsumbungan. Marami na siyang inabala na iniwan niya naman sa gitna ng laban.

?Kuwento ng aming source, “Tulad nu’ng isang nilapitan niyang businesswoman. Halos wala nang oras sa family niya ‘yung tao, sa kanya na lang tumututok, ‘yun ang kumuha ng abogado para sa kanya.

?“Mismong mga lawyers ng negosyante ang umasikaso sa mga kasong isinampa niya, wala na halos siyang inintindi, ang businesswoman na ang umayuda sa lahat ng mga kailangan niya.

?“Hindi na halos nakikita nu’ng girl ang mga anak niya, ang family niya, dahil sa dami ng mga meeting nila with the lawyers. Kailangan kasi nilang kumpletohin ang mga documents, ang mga ebidensiya, talagang sa kanya na nag-concentrate ang kaibigan niya,” kuwento ng aming impormante.

?Pero ano ang nangyari? Lahat ng pinaghandaan nila, ang lahat ng panahong ginugol nila sa problema ay nauwi lang sa wala, dahil sa kalagitnaan ng laban ay biglang nagbago ang isip ng female personality.

?“Hiyang-hiya ang mommy ng female personality sa mga taong inabala nila. Hindi na halos malaman ng mommy niya ang gagawin dahil sa sobrang kahihiyan sa mga taong tinakbuhan nilang mag-ina!

?“Wala namang magawa ang mommy ng aktres dahil hindi niya naman hawak ang decision ng anak niya. Saka kahit naman nu’ng bata pa ang female personality, e, palagi na siyang problema ng mommy niya.

?“Sa susunod na magkaroon uli ng problema sa pakikipagrelasyon ang girl na ito, e, hindi na siya tutulungan at papakinggan ng mga friends niya. Kailangan na niyang maghanap ng ibang mga te­ngang makikinig sa kanya dahil mabilis siyang bumitiw sa laban.

?“Wala man sa sampung utos ang ganu’n, e, kailangang bigyan niya ng importance ang mga taong inaabala niya, sa totoo lang!” madiin pang pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

May relasyon ba? Maja laging nakaangkla kay Piolo

May apat na isla sa Hawaii. Sa Oahu (Honolulu) ginanap ang ASAP concert pero maging ang mga kababayan nating naninirahan sa mga isla ng Kauai, Maui at Big Island ay dumayo rin sa venue ng pagtatanghal para makita-mapanood ang mga paborito nilang singers at personalidad ng ABS-CBN.

?Grabe naman kasi ang concert, sangkatutak na regular stars at singers ng ASAP ang dumating sa Honolulu, sulit na sulit ang ipinambili ng tickets ng mga Pinoy pati ang mahalagang oras na ipinagbiyahe nila sa venue ng concert.

?Punumpuno ang entablado, magagaling ang mga performers, puro kilalang artista ang hinakot ng Dos para bigyan ng kasiyahan ang mga kababayan natin sa Hawaii.

?Lahat sila’y tinitilian, uhaw na uhaw nga sa mga artistang Pinoy ang mga matagal nang naninirahan-nagtatrabaho sa Hawaii, pero ibang klase pa rin ang karisma ni Piolo Pascual.

?Ulo pa lang niya ang nakikita ng mga kababayan natin papasok sa stage ay dinig na dinig na ang nakabibinging tilian at palakpakan, gusto na siyang akyatin ng kanyang mga tagahanga sa entablado, si Piolo pa rin ang hinahanap-hanap ng mga Pinoy fans sa kahit saang bahagi ng mundo.

?Ang loveteam lang nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang dumikit sa napakainit na pagtanggap ng mga kababayan natin kay Piolo sa Honolulu, pero ang ibang loveteams ay parang okey lang.

?Napansin lang namin na sa pamamasyal ng mga artista ng ASAP sa mga kilalang tourist spot du’n ay palaging nakaangkla sa kanya ni Maja Salvador.

?Kung saan nandu’n ang aktor ay sumusunod si Maja, palagi itong nakayakap kay Piolo, humilig-hilig pa ito sa balikat ni Piolo sa kanyang paglalambing.

?Tanong ng mga kaibigan namin, may relasyon daw ba sina Piolo at Maja, bakit daw pala­ging nakaangkla sa aktor ang babae?

?Ma at pa!

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with