^

PSN Showbiz

Bea pumiyok sa relasyon Kina Alden at Kristoffer

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bea pumiyok sa relasyon Kina Alden at Kristoffer
Bea Binene

Iza maang-maangan sa Darna

PIK: Kakaibang fulfillment para kay direk Joel Lamangan ang nararamdaman niya pagkatapos ng musical play niyang Binondo: A Tsinoy Musical.

Medyo pumayat nga siya dahil stressful naman talaga ang magpalabas ng dalawang musical play sa loob ng isang araw.

Kagabi na ang last night nito at thankful ang producer nilang si Rebecca Shangkuan Chuansu dahil maganda ang resulta at feedback ng mga nakapanood.

Suportado rin ito ng Chinese community, kaya marami ang nagsa-suggest na sana ay i-extend. Pero fully-booked na raw ang The Theatre sa Solaire, kaya hoping pa rin silang makakuha ng schedule para sa re run.

“Sana nga. Sana puwedeng mag-rerun, tulungan n’yo ka­ming magdasal,” nakangi­ting pahayag sa amin ni Ma­dam Rebecca.

Isa nga sa napukaw ang interes sa pag-arte ay isa sa mga bidang si Carla Guevarra-Laforteza dahil iba raw pala talaga kapag ma-handle ka ni direk Joel. Kaya parang type na rin niyang umarte sa TV o pelikula at sana maidirek daw siyang muli ni direk Joel Lamangan.

PAK: Kinakaya lahat ni Bea Binene ang mga pamba-bash na natatanggap niya kaugnay sa closeness nila ni Alden Richards.

Nang nakausap namin ang young actress sa presscon ng bagong serye niyang Kapag Nahati ang Puso, muling naungkat ang isyu nito kay Alden na namalisyahan ang closeness nila ng Pambansang Bae.

Ani Bea; “Mahirap kasing makakita ng totoong friendship sa showbiz. I think we are lucky to…not just me and Alden, but si Tuntun (Kris­toffer Martin), siya ‘yung best bestfriend.

“We are lucky to have that circle, kasi kami po yung alam namin na no matter what we will be friends.”

Ayaw na raw sana nilang palakihin pa ito dahil hindi naman nakakaapekto sa friendship nilang tatlo, pero nasasaktan lang daw siya dahil pati ang pamilya raw niya ay idinadamay.

“Ang pinakamasakit sigu­ro, yung idadawit nila yung kapatid at yung pamilya ko. Kasi parang sinasabi nila na sinusustentuhan daw ako ni Alden. Naku! Never po ako umaasa sa kahit kanino na sustento sa kahit na sino.

“Basta sinasama nila yung pamilya ko, yung kapatid ko. ‘Yun po yung nakaka-offend na sinasabi ko na kung ako okay ako eh. I can handle that. Block ko lang kayo di ko na kayo makikita eh. Pero yung isasama nyo pa yung pamilya ko, siguro huwag naman kasi iba na yun, saka yung idi-DM (direct message) nila na ‘lagot ka kapag pumupunta ka ng mall,” pahayag ni Bea.

Masaya naman daw siya ngayon sa lovelife niya, pero ayaw na niyang idetalye dahil non-showbiz naman itong guy na matagal na naming alam na merong namamagitan sa kanila.

Sa July 16 na magsisimula ang Kapag Nahati ang Puso, at natutuwa siya dahil nakikita naman ang chemistry nila ni Benjamin Alvez.

BOOM: Maang-maangan lang muna ngayon si Iza Calzado kapag tinatanong siya tungkol sa Darna.

Napapag-usapan na kasing bahagi siya ng malaking pelikulang ito ni Liza Soberano, pero wala pa rin siyang puwedeng ibigay na sagot tungkol dito.

Nakapagtanong na kasi kami sa ilang taong involved sa Darna at sinasabing tuluy-tuloy na raw ang shooting. Pero nag­hi­hintay lang daw sila ng payo kung kailan na ang formal announcement at ibibigay ang buong detalye ng pelikula.

May ilang artista pa ring naghihintay lang ng tawag dahil ang buong akala nila ay bahagi pa rin sila.

Pero si Iza, naka-focus muna sa Cinemalaya entry niyang Distance na idinirek ni direk Perci Intalan.

Pagkatapos nito ay sisimulan niya ang soap ope­ra niya sa ABS-CBN na pagbibidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Naisisingit pa ni Iza ang pagdalaw sa Marawi dahil naimbitahan ito ng Samahan ng mga Pilipina para sa Reporma at Kaunlaran para tingnan kung ano pa ang maitutulong nila sa mga taga-Marawi na ngayon pa lang nagsisimulang bumangon.

Marami pa raw funds ang kailangan, at matagal-tagal pa raw silang makabalik sa dating normal na takbo ng buhay.

At ang isa pang aabangan ay ang wedding nila ni Ben Wintle na mangyayari ngayong taon, at dito na raw sa Pilipinas gagawin.

Manila wedding na raw dahil hindi kakayanin ang mga guests sa gusto sana nilang venue sa isang Asian country.

Hindi lang niya maibigay ang buong detalye, pero puspusan na rin ang preparasyon sa tulong ng kanilang wedding coordinator at mga close friends.

vuukle comment

BEA BINENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with