^

PSN Showbiz

Pops nai-stress sa mga baguhang singer, takot na ring mag-show

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Pops nai-stress sa mga baguhang singer, takot na ring mag-show
Pops

Matagal nang hindi aktibo si Pops Fernandez sa show business kaya aminado ang Concert Queen na hinahanap-hanap na niya ngayon ang pagkanta sa entablado. “I miss performing but parang now with my other business kasi, especially with the production, parang I really have to focus on that first,” naka­ngiting bungad ni Pops.

Bukod sa ilang negosyo at may isang dahilan pa kung bakit natatakot na bumalik sa pagkanta ang singer-actress. “I miss singing but parang ninenerbiyos kasi ako to come up with an anniversary show eh. This is the truth, lalo na at hindi na ako nakikita sa TV. Sino naman ang manonood sa akin? Baka naman may pressure to invite everyone to watch me. So there’s that thing, so I’m okay na with what I have now,” pagtatapat ni Pops.

Samantala, napapahanga umano ang Concert Queen sa mga bagong singers na aktibo ngayon sa music industry. “Ang gagaling nila, sobra, grabe, nakaka-stress. I think in time, new talents just got better and better. Of course hindi pa din magpapahuli ang mga ka-era ko na lumalaban pa rin. It’s nice to see all the Filipino talents. Ngayon mas confident pa sila, ngayon may sarili din na style and nakaka-proud na kapag nakakapanood ka ng Filipino talents whether dati man o baguhan eh talagang nakaka-proud,” pagbabahagi ni Pops.

Alexa sumaya nang makawala kay Nash

Mas masaya si Alexa Ilacad bilang aktres mula nang mabuwag ang tambalan nila ni Nash Aguas na mas kilala sa tawag na NLex. Para sa dalaga ay mas marami siyang pwedeng gawin ngayong wala na siyang katambal. “I’m given more freedom. I’m given this bigger chance to prove myself as an actress. I’m not boxed, like kailangan sweet lang lagi or always pa-cute,” paliwanag ni Alexa. Malaki ang pasasalamat ng young actress sa mga tagahanga nila ni Nash na patuloy pa ring sumusuporta sa kanya-kanyang proyektong ginagawa nila ng aktor ngayon. “Instead of getting mad, they understand us as individuals, na may pinagdaanan ka­ming personal at nire-respeto nila ‘yon. They still support us individually,” giit ng dalaga.

Ayon pa kay Alexa ay nakaranas din siya ng online bashing sa social media mula nang mabuwag ang tambalang NLex. “Hindi ako nagbabasa, naka-off ang comments ko especially on Twitter, on Instagram lang ‘yung naka-on. Recently, hindi naman mawawala ang bashing. I just want to remove that all negativity, I want to block it. It’s not needed naman,” giit ng aktres.

vuukle comment

POPS FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with