^

PSN Showbiz

Vic nabukong noon pa kinontrata ni Coco

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Vic nabukong noon pa kinontrata ni Coco
VIC at Coco

PIK: May mga close friends pala si direk Joel Lamangan dito sa San Francisco, California na gustung-gustong mapanood ang musical stageplay niyang Binondo: A Tsinoy Musical.

Maganda ang feedback sa naturang musical play at umaasa raw silang ma-extend pa ito para makahabol sila pag-uwi ng Pilipinas.

So far, ang latest na impormasyong nakuha namin sa mga taga-Binondo ay hanggang July 8 na lang ito mapapanood. Meron sa July 6 at 7 ng 3pm at 8pm at ang huling gabi sa July 8 ng ganun ding oras.

Hindi naman pala nasunod ang gusto ni direk Joel na sa huling gabi niya papanoorin si Mo­ther Lily Monteverde, dahil sa opening night pa lang ay nanood na si Mother Lily at nag-enjoy ito.

Ilang beses daw naluha ang mga nakapanood at hindi pa rin nawawala ang social statement ng dula kaugnay sa relasyon ng mga bansang China, Amerika at Pilipinas bilang obra naman kasi ito nina direk Joel at ng playwright na si Ricky Lee.

PAK: Sagot ng kampo ni Ara Mina ay ang blind item tungkol sa isang miyembro ng isang government agency na nagpa-play victim daw dahil sa inagawan ng dyowa ng isang aktres.

Nanganganib daw na madedemanda ito ng aktres, gayun may record din naman daw ito nang pang-aagaw ng dyowa.

Sinagot ng blind item na obvious namang itong isyu nina Ara, Rina Navarro at Usec. Dave Almarines ang tinutukoy.

Hindi ito masasagot at makaklaro ang pa­nig ni Ara. Dapat na sagutin niya ito ng harapan.

Kung lumabas na biktima rito si Rina, posibleng biktima rin kaya rito si Ara?

Dapat niyang klaruhin at ihingi ng tawad kung meron siyang pagkakamaling nagawa.

BOOM: Mukhang walang katapusan ang kuwentong extended na naman daw ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Ang sabi baka hanggang February 2019 pa raw ito dahil sa hindi naman nabago ang takbo ng ratings. Ang sabi nga raw ng Kantar (na ang alam ko ABS-CBN 2 ang nagsu-subscribe dito), ito lang daw ang programang hindi bumababa sa 40 percent ang rating.

Kung tatagal pa nga ang Ang Probinsyano, paano niya maisi­singit ang MMFF (Metro Manila Film Festival) entry nila ni Vic Sotto?

Sa totoo lang, si Bossing Vic ang natutuwa sa pagsasama nila ni Coco at ididirek pa siya.

Sabi nga ni Bossing Vic; “A few years ago nilapitan na ako ni Coco at nakapag usap na kami. I am very happy na finally matutuloy na rin yung project namin na hindi natuloy.

“So excited to work with him and the rest of the cast.” 

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with