^

PSN Showbiz

Erik, Jed, at Mark, iisa ang gagawin sa kanilang anniversary

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Erik, Jed, at Mark, iisa ang gagawin  sa kanilang anniversary
Jed at Mark

Kapuso actor na leading man ni Juday, ‘di pa lumalantad

PIK: Si Edgar Allan Guzman ang isa sa mga excited sa nalalapit na 2nd Eddys Choice dahil dito lang daw siya napansin at inilagay sa Best Actor ca­tegory.

“Malaki ang pasasalamat ko sa Eddy’s Awards, sa SPEEd, kasi, sila lang yung nagbigay sa akin ng Best Actor na nomination.

“So, sana…sana makuha natin on July 9. Thank you, thank you Eddys,” mensahe ni EA sa mga taga-SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors).

Manalo o matalo, dadalo raw siya dahil sa pagkilalang ito.

Bukod sa pinagkakaabalahan ni Edgar Allan na taping sa The Stepdaughters, may mga indie film din siyang ginagawa at malapit na rin daw ilabas ang bagong single niyang Ingay na collaboration kay JayR.

PAK: Nagsimula na rin palang mag-taping si Judy Ann Santos sa bagong serye niyang Starla.

Curious lang kami kung nakapagsimula na ring mag-taping ang kanyang leading man.

Ang balita kasi namin, isang kilalang Kapuso actor ang makakasama niya rito.

Inaalam pa namin kung nakapag-taping na ba siya kasama si Judy Ann. Close kasi itong si Kapuso actor sa mga executive ng GMA 7, kaya ewan ko lang kung nakapagpaalam na siya at kung pinayagan ba siya agad.

Ang tagal na rin kasi niya sa GMA 7.

Abangan na lang ang announcement ng Kapa­milya network sa iba pang makakasama ni Judy Ann sa Starla.

BOOM: Halos magkakasunod pala ang concert ng mga kilalang male balladeers na magsi-celebrate ng kanilang anibersaryo sa showbiz.

Ang nakakatuwa, pareho silang magsi-celebrate ng kanilang 15th anniversary.

Sa September 22 ang This is the Moment ni Erik Santos na gaganapin sa SM MOA Arena.

Sa November 16 naman daw ang XV concert ni Jed Madela na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum, at sa November 28 naman si Mark Bautista.

Lahat sila ay nasa 15th year na ng kanilang singing career at patuloy pa ring namamayagpag, kaya kailangan daw nilang magpa-concert bilang pasasalamat sa kanilang fans at supporters.

Bago pa pala mag-concert si Mark ay magpi-perform muna siya sa entablado na kung saan magi­ging bahagi siya sa musical stageplay na Eto Na! Musikal nApo na kung saan ipi-feature ang mga awiting ng Apo Hiking Society.

vuukle comment

JED MADELA

MARK BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with