^

PSN Showbiz

Mariel nag-install ng CCTV sa bahay bago mag-showtime

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Mariel nag-install ng CCTV sa bahay bago mag-showtime
Mariel

Aktibo nang muli sa telebisyon si Mariel Rodriguez. Araw-araw nang napapanood ang TV host sa It’s Showtime. Matatandaang pansamantalang nagpahinga si Mariel mula sa trabaho nang mabuntis at manganak noong 2016. May mga kondisyon ang asawang si Robin Padilla sa aktres bago nakabalik sa hosting. “Hindi ko talaga siya papayagan. Masyado nang masaya ‘yung buhay naming tatlo kaya nga lagi kaming umaalis papuntang abroad. Siyempre nagtatrabaho ako, nakikita ko masaya siya na kasama ‘yung anak ko. Pero sa pagtulog siyempre ng anak ko meron siyang… si Mariel din siya. May pangangailangan din siya bilang tao,” makahulugang pahayag ni Robin.

Noong una ay hindi raw talaga sang-ayon si Robin sa muling pagbabalik ni Mariel trabaho. Mahabang paalaman pa ang nangyari bago tuluyang payagan ng aktor ang asawa. “Mahabang panliligaw ‘yon. Niligawan ako ng asawa ko at nagpakipot ako sandali. Totoo, nanligaw talaga siya bago ako, ‘Okay, sige!’ Kasi kailangang siguraduhin ‘yung bata. Kasi kailangang lahat ng ginawa niya sa bata, sabi ko, hindi pwedeng maramdaman ni Isabella na may kulang. Kasi ang dami niyang ginawa do’n sa anak namin. Saka ‘yung programa sa bata, ang dami niyang ginagawang home study at siya ‘yung teacher. Siyempre, bigla siyang mawawala, kaya naghanap pa siya ng mga teacher. Kinausap niya ‘yung mama niya. Kinausap niya sina lolo’t lola, na lahat ng ginagawa niya, ‘yung pagtuturo ng swimming sila muna ‘yung gagawa. No’ng nagawa niya lahat ‘yon at naikabit ko na lahat ng video(CCTV), kasi gusto niya may video do’n sa lahat ng sulok ng bahay, nakikita niya ‘yung bata, nire-report niya sa akin. Pinapadala niya, ‘Oh, eto na ‘yung anak mo.’ Pumayag na ako, sige, go! May mga rules, kapag tinanong ko kung kamusta na si Isabella, maglalabas kaagad ng picture ‘yon,” nakangiting kwento ni Robin.

Wala na raw balak sundan pa ng mag-asawa si Isabella. “Wala, kawawa naman si Mariel. Hirap siyang magbuntis eh. Hindi siya paanakin na pwede mong anakan nang anakan. Si Mariel ang daming ineksyon, ang daming problema. Saka okay na rin naman ako. Ang dami ko ng anak,” giit ni Robin.

Juliana, pangarap makaeksena ang tatay

Posibleng pasukin na rin ng nag-iisang anak nina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez na si Juliana ang mundo ng show business. “I’m open with the possibilities. But right now my priority is really school and volleyball, tapusin ko muna ‘yon. But then it’s definitely on my mind,” bungad ni Juliana.

Suportado naman daw ng mga magulang ang dalagita sa plano nitong pag-aartista.

Nangangarap umano si Juliana na makaeksena si Richard sa isang proyekto. “I know I have their support. So this gives me comfort. Acting po if ever, aside from my dad, siguro si Bea Alonzo. I love her, I love all her movies,” nakangiting pahayag ni Juliana.

vuukle comment

MARIEL RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with