^

PSN Showbiz

Jolo Wagas Ang Hugot sa nangyari sa kanila ni Jodi

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jolo Wagas Ang Hugot  sa nangyari sa kanila ni Jodi
Jolo

Matikas na young actor tinuturing na ‘dumi’ ng mga katrabaho

PIK: Kung nanonood kayo ng mga series sa Netflix, mapapansin n’yong laging may kabadingan o ‘di kaya katomboyan sa kuwento.

Walang pakialam ang lead stars na makipaghalikan sa kapwa aktor o ‘di kaya sa kapwa aktres.

Open na rin naman ang viewers sa mga kuwentong may LGBT relationship.

May ganung isyu sa pelikulang Walwal na magsu-showing na sa June 27.

May LGBT issues din daw na na-tackle sa saloobin ng mga kabataan sa ngayon.

May LGBT relationship din sina Iza Calzado at Max Eigenmann sa Cinemalaya entry ni direk Perci Intalan na Sa Pagitan ng Dito at Doon, na pinalitan nang Distance.

Handa na kaya tayo sa mga pelikula at serye na ganun ka-open ang kuwento na dati’y taboo pa sa ating lipunan?

PAK: Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin namin ma-gets kung bakit ‘pollution’ ang tawag ng ilang production staff sa guwapo at matikas na young actor.

Minsan ay napapag-usapan naming mga reporters itong si young actor na mabait naman, ma-PR, hindi  nga showbiz makisama sa amin pero kung anu-ano pang kumakalat na ‘di magagandang isyu tungkol sa kanya.

Minsan ay natsismis pa siyang bading, gayung pinagnasaan nga siya ng sangkabadingan. Kaya siguro dapat na mag-usap-usap ang mana­ger at ilang sumusuporta rito kay young actor kung anong magandang gawin para matigil na ang mga negatibong isyu tungkol sa kanya.

Okay naman siyang makisama, pero pag nasa set na ito, nagbubulungan na ang ilang staff na ma­nahimik na sila dahil nandiyan na raw si ‘pollution’.

 Ano kaya ang ibig nilang sabihin?

BOOM: Nakita si Vice Governor Jolo Revilla ng ilang movie press nang mag-pictorial ito para sa pelikula nilang Tres kamakalawa ng hapon, pero umiwas siyang magpa-interview.

Ayaw pa rin niyang magsalita tungkol sa break-up nila ni Jodi Sta. Maria.

In-assume na lang ng marami na break na sila dahil sa birthday message niya sa Kapamilya actress na hindi na siya naga-I love you.

May mga ilan pa siyang ipinu-post sa kanyang Twitter account na tila tumutukoy sa pinagdadaanan ng relasyon nila ni Jodi.

Pinilit naman ni Jolo na maging positibo ang buwelta sa pinagdaanan ng kanyang lovelife.

Sa halip na magmukmok, binuhos ni Jolo ang panahon sa trabaho.

Sunud-sunod na taping sa Ang Probinsyano, tinapos ang shooting sa pelikula nilang Tres, trabaho sa Cavite, nag-aral at nagsulat ng mga kanta.

Kaya pala pawang hugot songs ang nagagawa niya dahil sa pinagdaanan niya sa break-up nila ni Jodi.

May kanta siyang pinamagatang Dapat Sana, Nahulog Sa ‘Yo at meron pang isang hugot song na nakalimutan ko ang title, na tinanong ko si Jolo kung para ba kay Jodi ang mga kantang iyun. Ngiti lang ang sagot sa akin at wala na siyang sinasabi.

May ginawa na nga siyang kanta na gagami­ting theme song para sa pelikula, at meron ding type na i-record ni Rhian Ramos, ang leading lady niya sa episode niyang 72 Hours ng pelikulang Tres.

vuukle comment

JODI STA. MARIA

JOLO REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with