^

PSN Showbiz

Paintings ni Paolo nagkakaubusan, pinag-aagawan ng mga art collector

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Paintings ni Paolo nagkakaubusan,   pinag-aagawan ng mga art collector
Paolo

Mas malaki ang kita kesa sa make up…

Alam niyo ba na in demand ang paintings ni Paolo Ballesteros dahil marami ang bumibili at nakakatanggap siya ng mga inquiry mula sa mga kapwa artista at mga art collector?

Para sa mga kolektor ng mga painting, good investment ang mga art work ni Paolo dahil apo ito ng National Artist na si Fernando Amorsolo kaya namana niya ang talent sa pagpipinta ng kanyang lolo.

Naniniwala ang mga art collector na darating ang araw na tataas ang presyo ng mga painting na likha ni Paolo kaya ngayon pa lang, bumibili na sila ng mga art work ng King of Make Up transformation ng Pilipinas.

Kung mapapansin ninyo, bihira na ang mga make up transformation ni Paolo dahil busy na siya sa pagpipinta na latest hobby niya. Mas madali para kay Paolo ang magpinta kesa gayahin ang mukha ng iba’t ibang mga artista. Mas malaki rin ang datung sa mga painting na ginagawa niya at mabilis na naibebenta.

Nora kumpirmadong papalitan sina Tom at Jennylyn

Ang Victor Magtanggol na pinagbibidahan ni Alden Richards ang unang teleserye project ni John Estrada sa GMA 7.

Nag-taping na sina Alden at John para sa mga eksena nila sa Victor Magtanggol na matagal pa ang airing.

Mali ang tsismis na ang Victor Magtanggol ang ipapalit sa The Cure kapag natapos na ito.

Ang balita ko, ang Onanay ang possible replacement sa primetime teleserye nina Tom Rodriguez at Jennylyn Mercado.

Ang Onanay ang comeback teleserye ni Nora Aunor sa Kapuso Network at co-stars niya sina Kate Valdez at Mikee Quintos.

Si Gina Alajar ang direktor ng Onanay pero mapapanood pa rin siya sa Book 2 ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Hindi puwedeng tsugihin ang karakter ni Gina sa afternoon drama series ni Yasmien Kurdi dahil importante ang role niya.

Walang conflict sa schedule ni Gina ang taping ng Onanay at Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Anak ni Yasmien marunong na agad mag-direk

Ipinagmalaki ni Yasmien Kurdi na ang kanyang anak na si Ayesha ang nag-direk ng isang eksena ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Manang-mana kay Yasmien ang one and only daughter nila ni Rey Solde­villa, Jr. dahil very smart ang bagets na marunong umarte at kumanta.

Kahit solo child, hindi spoiled si Ayesha dahil strict ang parents niya. Hindi sinanay nina Yasmien at Rey na maging maluho ang kanilang anak na hindi mahilig gumamit ng gadgets. Mas gusto ni Ayesha na makipaglaro sa kapwa bata at pumunta sa playground ng condominium building na tinitirhan nila kaya natutuwa si Yasmien dahil normal na normal ang childhood ng anak niya.

Proud din si Yasmien sa kanyang asawa na good provider at very responsible husband.

Ang sabi ni Yasmien, si Rey ang may last say at ang mga desisyon nito ang nasusunod kapag may mga isyu na dapat lutasin.

“Give and take” ang sikreto ng successful relationship nina Yasmien at Rey.

Produkto ng broken family si Yasmien kaya noong bata pa ito, sinabi niya sa sarili na kapag nagkaroon siya ng pamilya, hindi na mauulit ang nangyari sa relasyon ng kanyang mga magulang.

Sa Batch 1 ng Starstruck, si Yasmien ang maayos na maayos ang personal at professional life dahil almost perfect ang pagsasama nila ni Rey, mataas ang rating ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka at ng ibang mga teleserye ng GMA 7 na pinagbidahan niya noon.

vuukle comment

FERNANDO AMORSOLO

PAOLO BALLESTEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with