^

PSN Showbiz

Anne hindi nagpa-double nang sunugin!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Anne hindi nagpa-double nang sunugin!

Ang “Direk. Wait lang. Nakakaiyak. Thank you. Thank you thank you thank you a million times for your kind words. I could never be more grateful for allowing this script to fall into my lap. Ma?igan brought out what I could give as an actress to a whole different level. She’s one of the books for me,” na sagot ni Anne Curtis sa papuri ni direk Erik Matti sa kanya nang gawin nila ang Buy Bust.

Tinawag ni direk Erik na star si Anne na walang reklamo sa mga eksena, walang double sa sinunog siya at eksenang inabot ng 57 takes ng 3-minute one tracking show.

Ikinumpara ni direk Erik si Anne kina Cong. Vilma Santos at Nora Aunor.

Nabanggit pa ni direk Erik ang Viva Films movie Sid and Aya nina Anne at Dingdong Dantes. “And looking at the roles she’s been accepting with #SidandAya and her new horror film, Anne Curtis Smith is the real deal. She’s a celebrity second. And a really good actor first.”

Mauunang ipalabas ang Sid and Aya (Not A Love Story) sa May 30 sa direction ni Irene Villamor. Nagagandahan ang mga nakakita sa poster ng Sid and Aya dahil kakaiba raw.

Dingdong ayaw ituring na asawa si Marian pag dinirek

Naka-post sa IG story ni Dingdong Dantes ang script sa episode ng Tadhana na kanyang ididirehe. Si Marian Rivera na host ng Saturday drama anthology tungkol sa mga OFW ang tampok sa episode. Matatandaang one year na itong nire-request ng DongYan fans at matutupad sa anniversary ng show.

Nakasulat sa script na pinost ni Ding­dong na gagampanan ni Marian ang role ni Jackie Humabon. May asawa at dalawang anak. Hindi sinabi kung sino ang gaganap na asawa at mga anak ni Marian.

Nabanggit na dati pa ni Marian na sa kanila ni Dingdong, siya ang mas kinakabahan dahil sinabi na raw sa kanya ni Dingdong na sa set, hindi siya si Ding­dong na asawa niya kundi si Dingdong na kanyang director. Kaya Direk Dong daw ang itatawag niya sa asawa.

Bimby pinalitan ng matataas na grade ang pagkahulog ni Kris

Pangit man sabihin, pero parang ka­pa­lit nang pagkahulog sa hagdan sa bahay nila ni Kris Aquino at ang mga natamong pamamaga at bruises ng left leg, ang mataas na grades ni Bimby sa kanyang report card.

May rason ang post ni Kris na “Allow this mama for being SUPER PROUD. I encouraged Bimb to live up to his true potential because he got 2 subjects in the 80s bracket during 2nd quarter #challengeaccepted & EXCEEDED! He’s now 25 % of the way finished w/ 4th quarter & he’ll be done w/ 5th grade soon.”

Nakaka-proud naman talaga ang grades ni Bimby mula 1st quarter hanggang 3rd quarter. Sa 3rd quarter, highest grade niya ay 100 %, dalawa ang 99 %, may 98% at ang pinaka­mababa ay 94%.

Ginawa na lang light ni Kris ang aksidente niya, habang nagpapahinga, inaliw nito ang sarili by listening to songs na tinawag niyang Falling playlist. Kabilang sa pinakinggan niya ang Fallin’ ni Regine Velasquez at Catch Me I’m Falling ni Toni Gonzaga.

Dennis biglang naging open  kay Jennylyn

Noong Wednesday lang pala bumalik sa Manila sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado mula sa bakasyon nila sa Balesin Island kung saan, sinelebreyt ng dalawa ang respective birthdays nila.

Kailangan lang palang nasa Balesin sina Dennis at Jennylyn kasama ang kani-kanyang pamilya para maging open sa feelings nila sa isa’t isa.

Marami ang kinilig sa “Papasanin. Ko kahit ang buong mundo...” birthday post ni Dennis para kay Jennylyn na sinagot ng aktres ng “I love you.”

Anyway, after ng birthday vacation, back to work ang magdyowa.

Balik-taping ng The Cure si Jennylyn at si Dennis, makakapag-focus na sa shooting ng On The Job 2  dahil tapos na ang The One That Got Away  na magtatapos this Friday.

Hindi makakalimutan ni Dennis ang TOTGA dahil pinag-agawan siya ng tatlong magaganda at seksing babae. TV show lang ‘yun, pero nalito siya at ayaw niyang mangyari sa totoong buhay.

vuukle comment

ANNE CURTIS

ERIK MATTI

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with