^

PSN Showbiz

Patung-patong ang mga kaso, actor umaasa sa tulong ng kapatid na sinisiraan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May sariling mundo ang isang male personality na kontrobersiyal ngayon. Kapag tinanong mo ang kanyang mga dating katrabaho maging ang mga pinakahuli niyang nakasama ay isa lang ang sasabihin ng mga ito—buti nga sa iyo!

Maraming kuwento tungkol sa male personality na ang tingin sa kanyang sarili ay regalo siya ng langit sa lupa, may kaangasan siya, marami siyang kuda.

Kuwento ng isang source, “Naku, walang pinakamagaling para sa kanya kundi siya lang! Walang puwedeng tumalo sa kanya, siya ang pinakamagaling, super-feelinggero ang taong ‘yun!

Tama bang sa karamihan ng tao sa paligid niya, e, sinisiraan niya ang mga kapatid niya? Mismo! Ikinukuwento niya na ‘yung isang kapatid daw niyang maraming natutulungang mga kababayan natin, e, sakitin nu’ng mga bata pa sila?

“Ubuhin daw ‘yun, sipunin, palagi raw nakahawak sa saya ng mommy nila ang brother niyang ‘yun! Tama bang ipangalandakan pa niya ‘yun sa karamihan ng tao?

“Matindi kasi ang inggit niya sa kapatid niyang ‘yun! Paano, panahon ngayon ng kapatid niya, maraming nagagawang maganda para sa mga kababayan natin ang kinaiinggitan niyang kapatid!

“Instead na maging proud siya dahil sa magandang puso ng utol niya, e, sinisiraan pa niya, kung anu-anong kuwento nu’ng kabataan pa nila ang idinadaldal niya, iba nga naman ang nagagawa ng inggit!” kuwento ng aming impormante.

Maraming nakakakita sa male personality na lakad lang nang lakad. Wala siyang direksiyon, basta lakad lang siya nang lakad habang nakabuntot ang kanyang mga bodyguards, ganu’n lang.

May kakaibang trip ang taong ‘yun. Ibang klase talaga siya. Ang feeling niya kasi, e, sikat na sikat siya at kabog na kabog niya ang mga utol niya!

 “Mura siya nang mura, walang makapipigil sa nilangisan niyang dila, kasi nga, untouchable kuno siya! Ano siya ngayon? Ano na ang drama niya?

Ano ang naging resulta ng kayabangan niya? Naglalakihan na ang mga kulaba niya sa mata ngayon dahil sa patung-patong na asuntong kailangan niyang harapin!

 “Ubuhin at sipunin pala ang utol niya, ha? Siya pala ang pinakamagaling sa kanilang magkakapatid, ha?

“Daot ang inabot niya sa kaangasan niya, siya ang nasa indulto ngayon, kaya humingi na lang siya ng tulong sa kapatid niyang ubuhin at sipunin nu’ng bata pa!” madiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Milyones na kinita ni Nora sa TV5, ibang tao ang nakinabang

Pumirma na ng kontrata sa GMA-7 si Nora Aunor. Maaasahan nang bibigyan ng magagandang oportunidad ng Kapuso network ang Superstar.

Sana’y maging maganda ang takbo ng career ng singer-actress sa Siyete, kailangang samantalahin na niya ang pagkakataon, dahil hindi na siya bumabata.

Matagal ding nagserbisyo sa TV5 ang Superstar nang bumalik siya sa bansa mula sa ilang taong pamamalagi sa Amerika. Lahat ng magagandang proyekto ay ibinigay sa kanya ng pamunuan ng TV5.

Sabi ng aming kausap, Milyun-milyon ang tinanggap niyang talent fee nu’n sa TV5, nakailang taon din siya du’n, pero ang ipinagtataka ng mga katrabaho niya, e, bakit hindi man lang siya nakapagpundar ng bahay at sasakyan?

 “Wala siyang sariling car, hatid-sundo lang siya kapag may taping siya, kahit limang sasakyang mamahalin, e, kayang-kaya niyang ipundar nu’n!

 “Hanggang ngayon, e, nangungupahan pa rin siya, hindi man lang niya naisipang bumili ng bahay nu’ng kalakasan ng kinikita niya. Nakakapanghinayang lang,” kuwento ng aming kausap.

Nagbabago ang panahon, kung paanong nagbabago rin ang tao, kaya hindi pa naman huli para maisipan ni Nora Aunor na bigyan ng prayoridad ang kanyang mga pangunahing pangangailangan.

Malay naman natin, baka talagang mas gusto niyang nangungupahan na lang para wala siyang problema kapag may nasisira, baka ayaw rin niyang bumili ng sasakyan para walang siyang iniintinding driver?

Kani-kanyang prayoridad lang naman ‘yan, pero bilang isang personalidad na tinitingala pa rin hanggang ngayon ay mas maganda kung uunahin muna ni Ate Guy ang kanyang mga kailangan, kesa sa kung anu-anong bagay.

vuukle comment

GMA-7

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with