^

PSN Showbiz

Zsa Zsa binigyan ng mas malaking engagement ring ni Conrad

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Zsa Zsa binigyan ng mas malaking engagement ring ni Conrad
Conrad at Zsa Zsa

Ilang taon nang kasintahan ni Zsa Zsa Padilla si Conrad Onglao. Matatandaang nagkahiwalay ang dalawa pero mu­ling nagkabalikan. Ngayon ay marami ang nagtataka kung bakit dalawa ang engagement rings na ibinigay ni Conrad kay Zsa Zsa.

“The first one kasi he gave me, it’s actually very nice. He has good taste kasi so I really love it. But then he said parang hindi enough for showbiz, so binigyan niya ako ng mas malaki,” paliwanag ni Zsa Zsa. Masayang-masaya ngayon ang relasyon ng magkasintahan at ayon sa singer ay maraming mga bagay ang kanilang ginagawa na magkasama. “Travelling is number one and we like to work out together. We like to eat out, we’re both foodies and then we love to walk. We get to exercise together on Sundays,” pagbabahagi ni Zsa Zsa.

Samantala, aminado si Zsa Zsa na sumasagi na rin sa kanyang isipan na iwanan na ang show business. “Slowing down doesn’t have to be a standstill. Dumating na ako sa punto ng buhay ko na pwede ka na mag-relax,” giit ni Zsa Zsa.

Ryza hindi makalimutan ang matinding depresyon nung walang trabaho

Nakaranas na rin noon ng depresyon ang bagong Kapamilya actress na si Ryza Cenon. Ayon sa dalaga ay inilabas na lamang niya ang mga hindi magandang nararamdaman sa pagpipinta. “Nag-start po ako mag-paint 2015 lang. Parang na-discover ko na doon ko pwedeng ilabas ‘yung nararamdaman ko. May story (ang bawat painting) pero lahat ‘yon puro dark side ko, like depression,” kwento ni Ryza.

Nagsimula umano ang depres­yon ni Ryza nang nawalan siya ng mga proyekto sa GMA noong 2015. “Sunud-sunod, nagpatung-patong lahat. As in wala akong ginagawa, wala rin akong work noon. Siyempre mag-isa lang ako, wala naman akong pwedeng takbuhan sa financial. So ako lang lahat, lahat ‘yon iniisip ko,” pagtatapat ng aktres.

Malaki ang pasasalamat ni Ryza dahil nalampasan niya ang lahat ng ito. “Na-realize ko rin ‘yon noong mga dulo na… parang nasa room na ako, kinakausap ko si God. Dumiretso na ako sa Kanya,” pahayag ng dalaga.

Samantala, bukod sa tele­seryeng FPJ’s Ang Probin­syano ay pinaghahandaan na rin ni Ryza ngayon ang The General’s Daughter kung saan makakasama niyang magbibida sina Angel Locsin, Janice de Belen, Eula Valdes at Maricel Soriano. “Sa lahat ng ginawa ko, kakaiba siya. Challenging ‘yung role,” pagtatapos ni Ryza.

vuukle comment

ZSA ZSA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with