^

PSN Showbiz

Liza at Ice, mag-aampon na lang!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Liza at Ice, mag-aampon na lang!
Ice

Mga sinehan gustong tanggalan ng kita ang mga producer; Bagong serye ni Juday, pang-bakla

PIK: Tanggap ni Mother Lily na maaring maapektuhan ang pelikulang My 2 Mommies niya na magbubukas na sa May 9 dahil sa lakas pa rin ng Avengers. Pero sabi nga ni Roselle Monteverde, hindi naman daw puwedeng sumuko ang local producers at patuloy pa rin sila sa paggawa ng pelikula at kailangang ipalabas ito.

Nasa tao na nga naman kung gusto nilang tangkilikin ang local films.

Kaya positibo pa rin silang tatangkilikin ang My 2 Mommies nina Paolo Ballesteros at Solenn Heussaff dahil maganda naman daw ang pelikula at kuwela ang pagpapatawa nila na kayang-kaya pa ring sakyan ni Maricel Soriano.

Inaasahang makakabawi na sa susunod na linggo ang local films at huhupa na ang Avengers fever.

Medyo nagi-emote lang si Mother Lily dahil pina­nga­ngambahan niya ang maaring pagbabago sa rules ng hatian ng box-office returns.

Sabi ng Regal matriarch; “Dati, noong kasikatan ng movies, 60/40 ang hatian ( 60% sa movie producers, at 40% sa theater owners).

“Ngayon 50/50 na. Pero now ibabaligtad na nila, sila (theater owners) na ang 60%, tayo ang 40%.”

Kaya iyun daw ang ikinababahala niya at baka maging ganun na ang patakaran sa hatian ng kita, paano na nga naman makakabawi ang mga producer?

Pero hindi pa rin sumusuko si Mother Lily, tuloy pa rin sa pagpu-produce ng pelikula, dahil passion na raw niya ito at maraming taong natutulungan.

PAK: Kilig-kiligan at nagpa-cute si Ice Seguerra sa presscon ng Pista ng Pelikulang Pilipino kamakailan lang. Bago natapos ang presscon, sa harap ng mga reporters ay tinanong niya si Liza kung bakit sa dami raw ng ginagawa nito, napakaganda pa rin nito.

“Dahil nandiyan ka para sumuporta,” nakangi­ting tila kinikilig pang sagot ng FDCP Chairperson Liza Dino.

Sabi pa ni Ice, nandiyan pa rin daw ang balak nilang magkaroon ng baby.

Pero sa sobrang busy daw ni Liza, baka hindi na raw kayanin nito ang surrogacy dahil siya sana ang magdadala ng baby gamit ang egg cell ni Ice. Pero baka hindi na raw niya kakayanin iyun kaya nag-iisip pa rin daw sila ng ibang options.

“We’re leaning ngayon…in terms of IVF, parang sobrang busy niya ngayon eh. I don’t know if it’s possible within the next three years.

“Naiisip din namin yung adoption. We’re looking at many options,” saad ni Ice.

BOOM: Balik-teleserye na pala si Judy Ann Santos sa ABS-CBN 2.

Nagkaroon na sila ng story conference nung nakaraang Huwebes, May 3.

Isang inspirational teleserye raw itong gagawin ni Judy Ann. At gandang-ganda raw sa kuwento kaya tinanggap na niya.

Ilan sa makakasama niya ay sina Joem Bascon, Michael de Mesa, Gabe Mercado at Joel Torre.

Dreamscape Entertainment ang magpu-produce nito at excited na raw si Judy Ann.

Ang working title nito ay Starla na parang baklang-bakla ang dating.

Pinag-iisipan pa raw nila kung papalitan pa nila o hayaan nang ganun ang title.

Hindi pa rin naman daw iiwan ni Judy Ann ang pagluluto na kung saan meron pa rin siyang cooking show sa You Tube at iniin-enjoy din ito ng Te­leserye Queen.

vuukle comment

MOTHER LILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with