^

PSN Showbiz

Ara walang alam sa hiwalayang Cristine at Ali

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Ara walang alam sa hiwalayang Cristine at Ali
Cristine at Alice

Alice iniwan si Coco para kay Aga!

PIK: Hindi nakikita ni Dina Bonne­vie ang sarili na pasukin ang pulitika.

Aminado siyang nahirapan na nga siya sa role ng isang politician’s wife, kaya malabo raw na siya mismo ang tatakbo.

Nag-i-enjoy naman daw siya sa pagtulong sa constituents ng asawa niyang si Cong. DV Savellano ng Ilocos Sur, pero kung sakaling alukin siyang tumakbo, tiyak na tatanggihan daw niya ito.

“I have no interest talaga. Unless, pag si God na ang kumilos. Pero I pray na sana ‘Lord huwag mo naman akong ilagay diyan kasi ayo­kong maging politician talaga.

“Parang I’m happy being me behind my husband, kasi it’s really not my world eh. And why I can say it’s not my world, ayokong ma­ging plastic eh. Hindi ko kaya, kasi pag ayoko sa isang tao, ayoko talaga. You can see it in my face,” deretsong pahayag ni Dina.

Sa ngayon ay may mga project daw siyang tumutulong sa mga tao roon na ginagawa naman niyang negosyo rito, kagaya ng mga longganisa, ang weaving at marami pa.

PAK: Totoo kayang basta na lang nilayasan ni Alice Dixson ang taping ng FPJ’s Ang Probinsyano nang lumipad na ito patungong Greenland para sa pelikula nila ni Aga Muhlach?

Ayon sa kuwentong nakarating sa amin, nagulat na lang daw ang mga taga-Probinsyano nang last minute sinabi niyang paalis na siya pa-Greenland para mag-shooting.

Kaya biglang nabago ang kuwento at na-focus tuloy sa mga bagong karakter na ipinasok kagaya ni Vice Governor Jolo Revilla.

Safe lang ang sagot sa amin ng ilang taga-Pro­binsyano, basta tuloy pa rin naman daw sa kuwento ang karakter ng ilang kasamahan ni Alice na ginagampanan nina Edu Manzano, Rowell Santiago at Dawn Zulueta, pero hindi pa raw nila masasabi kung pababalikin pa si Alice dahil nagsu-shooting pa rin ito sa Greenland.

BOOM: Marami nga ang naiintriga sa mga nakaraang post ni Cristine Reyes na tila may pinagdadaanan nga sila ng asawa niyang si Ali Khatibi.

Lately ay wala siyang napu-post na magkasama silang mag-asawa at meron lang siyang “pray for me” na post na ikinabahala rin daw ng kanyang ate na si Ara Mina.

Sabi naman ni Ara sa nakaraang presscon ng Araw Gabi, hindi naman daw nawawala sa mag-asawa ang nagkakaproblema o may indifferences paminsan-minsan, pero wala raw siyang ideya kung ano talaga ang kalagayan nina Cristine at Ali.

Madalas naman daw silang nagsasama pero hindi raw siya nagtatanong sa kapatid kung may problema ba silang mag-asawa.

“Maingat lang ako mag-ano eh…ayaw kong mag-away pa kaming magkapatid. At saka pag may mga ganyan, buhay nila yun eh. Ayokong mag-interfere.

“Alam naman niyang anytime she needs me, andito lang ako,” dagdag na pahayag ni Ara.

Ang pagkakaalam daw niya, abala rin si Cristine sa training nito para sa isang action movie na gagawin.

Pero umaasa siyang okay lang ang lahat at maayos ni Cristine ang kung ano mang pinagdadaanan nila ni Ali.

vuukle comment

CRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with