^

PSN Showbiz

Matteo itinanggi ang alok na kasal kay Sarah!

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Matteo itinanggi ang alok na kasal kay Sarah!

PIK: Humihingi ng paumanhin ang tinaguriang King of Revival songs na si Jojo Mendrez dahil sa hindi matutuloy ang mini-concert niya sa SM Valenzuela bukas ng hapon.

Kailangang umalis ng singer patungong Dubai dahil sa may mga kababayan nating OFW na tutulungan niya roon.

Pero magkakaroon pa ng ibang show si Jojo sa ibang malls. Inaayos lang daw ang schedule, at ia-announce daw nila agad sa kanyang social media account.

Kilalang aktres na kakandidatong Vice Governor, nakatanggap na ng downpayment sa sasamahang partido

PAK: Ngayon pa lang ay may mga ilan ng kila­lang personalities na naghahanda na sa susunod na eleksyon.

Nakatsikahan namin noon ang kilalang female celebrity at natanong namin kung balak ba niyang pasukin uli ang pulitika.

Ang sabi niya, pinag-iisipan pa lang daw niya kung babalik siya sa public service dahil masaya naman daw siya sa buhay niya ngayon.

Pero ang latest na nabalitaan namin, Vice Governor sa lalawigan niya ang tatakbuhan sa 2019 elections.

Ayon sa ilang napagtanu­–ngan namin, magdedeklara na raw ito sa mga susunod na buwan dahil nakatanggap na pala siya ng downpayment sa pulitikong kukuha sa kanya.

Hindi naman daw binebenta ang kandidatura niya sabi ng aming source. Pero sigurista lang daw itong si female celeb. Ayaw daw niya kasing maglabas ng datung. Kaya kung gusto siya ng isang partido na tumakbo, give niyo muna siya ng datung para tanggapin ang alok at ideklarang tatakbo siya at susuporta sa partidong kumuha sa kanya.

Mahirap na raw kasi at baka ang ending, mag-abono lang siya dahil kahit kilala siya, wala namang katiyakang mananalo siya sa kanyang lalawigan.

BOOM: Itinanggi ni Matteo Guidicelli ang ilang nagsasabing nag-propose raw siya kay Sarah Geronimo nung nagbakasyon sila sa Palawan nung nakaraang Semana Santa.

Pero napapag-usapan na rin lang ang wedding plans na tila pinangungunahan pa ang magkasintahan, nagpahayag naman si Matteo na wala pa raw sa plano nila. Pero agree naman siyang tamang edad naman daw para sa kanya ang 28 years old para ma­lagay sa tahimik.

Ani Matteo; “I thought 28 was the best (time), but in life doors open, things change in 28, other doors open…we’ll see.

“Life has always new things to offer. So, we’ll see what’s gonna happen.”

Sa ngayon ay wala naman daw siyang masasabi pa sa relasyon nila ni Sarah. Masayang-masaya raw siya dahil maganda ang growth ng kanilang relasyon.

“It’s growing, it’s beautiful evolution kumbaga. It’s not always up, there’s a lot of down also but you know, things we’re working out things. We’re good,” masayang pahayag ni Matteo.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with