^

PSN Showbiz

KC apektado sa pagkokontrahan nina Sharon at Sen. Kiko!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
KC apektado sa pagkokontrahan nina Sharon at Sen. Kiko!

KC

Hindi nakapagtataka kung magtampo man si KC Concepcion sa kanyang inang si Sharon Cuneta dahil hindi ito nakadalo sa launching ng kanyang jewelry line. Nakasabay kasi ang okasyon sa pa-dinner na dinaluhan ni Sharon sa Malacañang kasama ang kanyang kapatid na lalaki na si Chet Cuneta.

Nasa affair naman ni KC ang kanyang stepdad na si Sen. Kiko Pangilinan at mga kapatid na sina Frankie at Miel.

Hindi maganda ang ibinabadya ng pagkakaroon ng magkaibang pananaw sa pulitika ng Pangilinan couple. Pinamumunuan kasi ni Sen. Kiko ang Liberal Party na siyang tumatayong oposisyon ng gobyerno natin ngayon.

Piolo ilusyon ni Direk Cathy

Bago magretiro si Direk Cathy Garcia Molina, isang pelikula na magtatampok kay Piolo Pascual ang balak niyang gawin.

Aware siya na nagbibigay kasiyahan sa mara­ming manonood ang kanyang mga pelikula pero napagtanto niyang nagbigay naman ito ng kalungkutan sa dalawang anak niya dahil nagkulang siya ng oras sa mga ito.

Pangarap lamang niya ang maging mabuting asa­wa at ina ng kanyang mga anak. Matagal na ring namatay ang kanyang asawa. Mayroon na siyang boyfriend na handa silang tustusan na mag-iina.

Gabby gustong pagkakitaan ang movie nila ni Sharon?!

Ang pagnanais ba ni Gabby Concepcion na maging co-producer ng re­union movie nila ni Sharon Cuneta ang dahilan ng hindi pagkakatuloy nito.

I’m sure hindi kailangan ng Star Cinema ng co-producer sa isang project na nangangko ng isang malaking tagumpay sa box-office. Ito ang inaasahan ng lahat na magiging resulta ng pagtatambal muli ng dating mag-asawa.

Parehong may malaking following ang dalawa na sumubaybay sa teleserye ni Gabby at pelikula ni Sharon kasama si Robin Padilla.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with