^

PSN Showbiz

Cherie inalala ang nakaraan nila ni Rolly Quizon!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Cherie inalala ang nakaraan nila ni Rolly Quizon!

Ang aktres na si Nadia Montenegro ang nag-text sa amin na kasalukuyang nakalagak sa Mt. Carmel Church ang mga labi ng actor na si Rolly Quizon, isa sa mga anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy. Si Rolly ay binawian ng buhay last Thursday afternoon sa Capitol Me­dical Center matapos isugod noong hapon ng March 9 after ma-stroke habang nasa loob ng isang supermarket.

Samantala, hindi napigilan ni Cherie Gil na ilabas ang damdamin sa Facebook sa pagyao ng dating aktor.

“He passed away . . . so soon . . . so young . . . reminding me of what once was . . . between us . . . I will never forget . . . the first experience, the life of wantonness, my first love,” sabi niya.

Toni hindi malayong maging balae sina Bianca at Mariel

Pare-pareho nang happy wives and moms ang troika ng magkakaibigang Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, at Mariel Rodriguez. Sa tatlo, si Mariel ang unang nag-asawa kay Robin Padilla na tatlong beses ikinasal in 2010. Una nu’ng August 19, 2010 sa historic Taj Mahal in India at pangalawa on Sept. 13, 2010 sa magkahiwalay na wedding ceremony officiated by an Ibaloi native priest at ng isang Christian pastor.

Sa almost walong taong pagsasama nina Robin at Mariel bilang mag-asawa ay noong November 2016 lamang sila nagkaroon ng anak na si Maria Isabella.  Dalawang beses nagkaroon ng miscarriage si Mariel bago lumabas si Isabella.

Sumunod namang nagpakasal sina Toni at Paul Soriano noong June 12, 2015 at meron na rin silang anak, ang more than one year-old na si Seve.

Nag-asawa at nagpakasal naman si Bianca sa cager-husband niyang si JC Intal noong December 4, 2016 sa pamamagitan ng isang intimate beach wedding sa Lagen Island Resort ng El Nido in Palawan. Meron na ring isang supling na babae ang mag-asawa, si Lucia.

Since magkakaibigan sina Toni, Bianca at Mariel at madalas magkita-kita ang kanilang mga anak sa mga children’s gathering hindi magkakalayo ang mga edad ng kanilang mga anak, hindi kaya dumating ang panahon na manligaw si Seve either kina Lucia at Isabelle?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with