^

PSN Showbiz

Dingdong first time nakaranas ng trabaho sa abroad!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Dingdong first time nakaranas ng trabaho sa abroad!

Tuloy na ang alis sa April 5 ng grupo nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Alden Ri­chards, Lovi Poe, Betong Sumaya, at Dennis Trillo dahil noong Wednesday, nabigyan na sila ng visa ng US Embassy.

Sabay-sabay pumunta ng Embassy ang grupo at sabay-sabay din silang nag-rehearsal kahapon para sa gagawing shows sa New Jersey sa Apr. 7 at Toronto sa Apr. 8. Ang GMA Life TV, GMA Pinoy TV at GMA News TV ang nasa likod ng shows.

Ang dalawang shows ay isa lang sa mga trip abroad ni Alden this year dahil may mga susunod pa.

As for Dennis and Lovi, time out muna sila sa taping ng The One That Got Away. Si Jennylyn, absent muna sa taping ng The Cure, pero habang hindi pa nakakaalis ay magmu-mall show muna sila ni Tom Rodriguez to promote their upcoming teleserye.

Si Dingdong naman, kababalik lang from Japan sa shooting nila ng Viva Films movie with Anne Curtis. Pagbalik nga nito, dumalo agad sa YesPh Community Development na ginawa sa UP. Working students ang hinarap ni Dingdong.

Speaking of Dingdong, nabanggit nitong sa 20 years niya sa entertainment industry, ngayon lang siya nakapag-shooting sa ibang bansa. Ito nga ang Sid and Aya sa direction ni Irene Villamor na hindi pa alam kung kailan ipalalabas.

Direk Bibeth sumakto sa ToFarm...

May pa-blind item si Dr. Milagros How, President and CEO of Universal Harvester Incorporated sa presscon ng The 3rd ToFarm Film Festival. Ikinuwento niyang bago napili si Bibeth Orteza na Festival Director at Festival Adviser kasama sina directors Joey Romero at Laurice Guillen, may mga kinausap siyang ibang directors para mamuno sa ToFarm Film Festival, pero hindi siya naging komportable sa mga ito.

Madali raw kausap sina direk Bibeth at na-feel niya agad na makakasundo niya ang tatlo at alam niyang masasabi niya ang problema. Hindi na binanggit ni Dr. How kung sino ang mga director na ‘yun.

Si Raquel Villavicencio pa lang ang binanggit na kasama sa selection committee, isasabay yata sa announcement ng seven finalists ng  filmfest ang bubuo sa selection committee.

For the third year, may ToFarm Short Film Competition na rin na kasamang ipalalabas sa September 12-18. Ang mas maganda pang balita, papasukin na rin ng Universal Harvester ang pagpoprodyus ng commercial films at six commercials films ang plano nilang gawin.

Gabbi sinupaLpal ang fans na bastos

Sinaway ni Gabbi Garcia ang fan nila ni Ruru Madrid na binash si Khalil Ramos dahil ni-like ng dalaga ang post ng huli na bagong gising at may caption na “Ba’t mo ako ginising?” Tinakpan ni Khalil ng black ink ang name ni Gabbi, pero nakita pa rin ito ng Gabru fan, kaya nagalit.

Sabi kasi ng fan, “kasi ang liit mo at ang panget mo dapat nga hindi ka na na­gising.”

Nag-react si Gabbi by tweeting, “wow ah manners” at “i don’t tolerate my fans to be rude to people that are close to me.”

Sana nga hindi sirain ng mga selosang Gabru fan ang friendship and working relationship nina Gabbi at Ruru lalo’t umeere pa ang Sherlock, Jr., Maganda nga at kahit may mga tsikang nag-break ang dalawa, may chemistry pa rin sila at hindi nawala ang kilig sa kanila.

Aktor takot pasukan ng masasamang  elemento

Nagtataka ang fans ng isang young actor sa pagdi-disable niya sa comment box ng kanyang Instagram (IG) account, pero doon lang sa photos ng kanyang ka-love team. Ang ibang photos na hindi niya kasama ang ka-love team ay open ang comment box.

Ang pangalawang ipinagtataka ng followers at fans ng aktor ay mula nang masulat na nagkainteres siya sa ibang babae at hindi ang ka-love team ay naka-disble na ang comment box ng kanyang IG.

Ang feeling ng fans, iniwasan nitong pasukin siya ng bashers at madamay pati ang ka-love team.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with