^

PSN Showbiz

Boyet hindi magdedemanda sa tama ng bala ;John Estrada banned na sa ABS-CBN?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Boyet hindi magdedemanda  sa tama ng bala ;John Estrada banned  na sa ABS-CBN?!

PIK: Maayos ang paliwanag ni direk Maricel Cariaga tungkol sa pagpapa­laganap sa mga magsasaka ng mga pelikulang kalahok sa ToFarm Film Festival.

Si Maricel ay direktor ng pelikulang Pitong Kabang Palay na isa sa mga winner sa 1st ToFarm Film Festival.

Nasa pamilya ng magsasaka si Maricel at ibinahagi niyang maganda raw ang feedback sa mga magsasaka nang mapanood ang pelikula niya. Inikot kasi nila sa iba’t ibang lalawigan ang mga pelikula ng ToFarm at malaki raw ang epekto sa mga magsasaka ng mga napapanood nila.

Proud na proud si direk Maricel na ikinuwentong sinasabi raw ng mga magsasakang nakapanood na mas gusto pa nilang panoorin ang Pitong Kabang Palay kesa sa Gandarrapiddo.

Nagpahayag naman si Dra. Milagros How na sinisimulan na nilang i-penetrate ng ToFarm ang Agri-business/sector. Hopefully, mabuo na raw nila ngayon sa ikatlong taon sa tulong ng bagong festival director na si Bibeth Orteza sa tulong ng Managing Festival director Joey Romero.

Sa April 20 na ang deadline ng submission ng screenplays for this year’s festival and sa May 9 ia-announce ang shortlist.

Pitong pelikula ang pipiliin para maging official entries sa ToFarm filmfest na nakatakdang ida­os sa September 12 hanggang 18.

PAK: Totoo kayang med­yo malabo na raw mabigyan ng show si John Estrada sa ABS-CBN 2? Pagkatapos ng isyu ng aktor kay Mylene Dizon, tuluyan na raw na pinag-exit si John sa Kapamilya network at baka wala na raw kasunod na show.

Ang dinig namin, si Willie Revillame raw ang tumutulong kay John para magkaroon ng show sa GMA 7.

Tinawagan namin at itinext si John para mahingan ng pahayag kaugnay sa isyung ito, pero hindi siya sumasagot.

BOOM: Nilinaw ni Christopher de Leon na wala siyang balak na maghabla sa kung sino man ang dapat managot sa aksidenteng pagbaon sa hita niya ng adaptor ng baril na ginamit sa death scene nito sa Kambal, Karibal.

Sinabi niyang kakulangan talaga ito ng supplier na in-charge sa effects at ang caretaker ng baril, pero sana sa susunod ay mag-iingat na raw at dapat bigyan ng tamang atensyon ang mga artista maliit man o malaking kapag nasasangkot sa ganitong aksidente sa taping o shooting.

Pahayag ni Boyet, “Sinabi ko sa kanila, hindi ako maghahabla, kahit kapabayaan talaga nung sa effects.

“Sabi ko pasensya na kayo, magsasalita ako. Kasi hindi lang…maa­yos nga at ito lang ‘yung nangyari sa akin. Sa akin nangyari to. Pero papano ‘yung iba kung mga ibang artista, ‘yung mga stuntmen, ‘yung mga ano, sasagutin din ba nila ‘yun?

“Sasagutin din ba ng produksyon ‘yun, nung effects group? Sasagutin ba nila? Dapat talaga merong insu­rance.”

Sa kaso niya ay hindi nagpabaya ang production staff ng GMA 7. Sila na nga ang sumagot ng hospitalization ng aktor, kahit kapabayaan ito ng grupo na in-charge sa effects at ang caretaker ng baril na ginamit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with