^

PSN Showbiz

Aktres ginawang bangko ang ex-boyfriend!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Tawasin man nang libong beses ang isang non-showbiz guy ay hindi na nito nanaisin pang makipagbalikan sa nakarelasyon nitong female personality. Never again lang ang sigaw ng lalaki.

Matigas kasi ang ulo ng businessman, marami nang kaibigan nito ang nagpayo sa kanya na huwag papasok sa lungga ng babaeng personalidad, pero tumuloy pa rin ito.

Kuwento ng aming source, “Naku, parang palaisdaan na natuyuan ng tubig ang kabuhayan showcase ng guy nu’ng maging magkarelasyon sila ni ____(pangalan ng female personality)!

“Parang bukirin siya na pinamugaran ng mga hanip, kaya wala siyang inani nu’ng sila pa ng babaeng ‘yun na ang galing-galing talagang magpaikot ng utak ng mga kalalakihan!

“Napapaniwala niya ang boyfriend niya na may nagpapahiram ng datung sa guy, give naman agad ang lalaki, walang kaalam-alam ang businessman na siya lang pala ang gagamit ng pera!

“At heto pa ang kanyang drama kapag nagtagal-tagal na, nagbayad na raw ang nangutang niyang kaibigan, pero ginastos niya ang datung! E, ano pa ang magagawa ng BF niya, ‘di amen na lang?

“Meron pa siyang drama na sososyo siya sa mga friends niya sa pagpo-produce ng isang front act, all mine to give naman nang milyones ang lalaki, pero wala namang nangyayari!

“Nabayaran na pala siya ng production, bayad na ang lahat ng nakisosyo, pero wala pa siyang ibinabalik na datung sa boyfriend niya! Nagkukunwari pa siyang naiinis, pinapatak-patak daw kasi ng main producer ang share niya, kaya nagagastos tuloy niya! O, laban kayo sa mga kadramahan ng babaeng ‘yun?” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Nu’ng seryoso nang kausapin ng kanyang mga kaibigan ang businessman ay medyo nauntog ito sa katotohanan. Naghigpit na ito ng bulsa, nakakandado na, kaya wala nang magetlak sa kanya ang girl.

“And one day, kinausap niya ang girl na ayaw na niya, nakikipaghiwalay na siya, basta ayaw na niya! ‘Yun na! Naramdaman kasi ng businessman na ninenegosyo lang siya ng female personality, kaya babu na siya!

“Hindi nga naman siya bangko na palaging may deposito, hindi naman siya nagmimina ng ginto para hindi maubos ang kanyang kayamanan!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Dating problema nina Raymart at Claudine nabuhay na naman

Mukhang magkakaroon ng part 2 ang pagpapatutsadahan ng matagal nang hiwalay na mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto na nag-ugat lang sa ipinost ng kanilang anak na si Sabina.

Nilinaw ng aktres na wala siyang kinalaman sa emosyong inilabas ng kanilang anak sa social media, hindi raw niya kino-coach si Sabina na ganu’n ang sabihin, kaya huwag siyang pagbibintangang tinuturuan niya si Sabina.

Pero sa pagdedepensa ni Claudine sa kanyang sarili ay naungkat ang mga pagkukulang ni Raymart kina Sabina at Santino, may mga pinagkasunduan daw sila sa husgado na hindi naman tinutupad ng aktor, kaya siguradong mabubuhay na naman ang kontrobersiya sa pagitan ng naghiwalay na mag-asawa.

Kahit daw ang pagdalaw sa mga bata ay hindi naman ginagawa ni Raymart nang regular, kulang na kulang sa komunikasyon ang mag-aama, madiin pang sinabi ni Claudine. Kung nagpaliwanag lang daw ang aktor sa kanilang mga anak na meron na itong ibang karelasyon, kesa sa nagdedenay pa, ay wala sanang ganitong senaryo.

Nauungkat na naman ang usapin ng pera, ang sinumpaang sustentong hindi naman na­tutupad, ang paggabay dapat nila nang sabay kina Sabina at Santino na hindi nangyayari dahil hindi nagkikita ang kanyang mag-aama.

At marami pang ibang senaryo.

Epektibong pang-alaga sa atay…

Gusto lang naming magtawid ng sinserong pasa­salamat kay Mr. Roi de Leon, ang may-ari ng Liver Gold, sa ngalan ng aming kaibigang si Kabsat Portia Ilagan.

Dahil hindi na bumabata ay nanga­ngailangan na ng maintenance si Kabsat Portia, inilambing namin siya kay Roi de Leon, na agad namang nagpadala ng kanyang mga produkto.

Tatlong araw pa lang na iniinom ni Kabsat Portia ang Liver Gold ay nakaram­dam na siya agad ng pagginhawa. Nakakatulog na siya nang mahimbing at regular na rin ang kanyang pagwiwi.

Puwedeng artista si Roi de Leon, pero matagumpay itong negosyante, na laging nagpapaalala sa ating mga kababayan na para hindi maagang magba-bye, alagaan ang atay. Liver Gold!

Mula sa puso, salamat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with