^

PSN Showbiz

Sam at Moira mas malalim na ang relasyon!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Sam at Moira mas malalim na ang relasyon!

Sam

Hindi maaaring isipin na porke nakipag-break na kay Sam Milby ang modelong girlfriend niya ay agad mapapalitan ito sa katauhan ng napa­kabilis sumikat na singer/composer na si Moira dela Torre. Marami ang napapaisip sa closeness na nakikita sa kanila nga­yon at binibig­yan ng kulay.

Samantala, patuloy ang mabu­ting pagkakaibigan ng aktor at singer/composer. Kahit hindi sila magkadugo, Sam considers Moira as a younger sister at proud na proud ito sa narating ng huli sa kanyang karera.

Sa ngayon, malaking tulong si Sam sa pag-i-edit ng mga video ni Moira at maski rin ni Kyla. 

Kim at Zanjoe  gustong bumuo ng pamilya

Magsasama sina Kim Chiu at Zanjoe Marudo sa unang pagkakataon upang gampanan ang mag-asawang sinubok ng naganap na giyera sa Marawi mamaya sa Maalaala Mo Kaya.

Dahil lumaki sa isang military family, nakita ni Ani (Kim) kung paano nangulila ang kanyang ina sa sundalong ama, kaya naman ipinangako niya sa sariling hindi siya kailanman magmamahal ng isang sundalo. Nabago ang pagtingin niya sa pag-ibig nang makilala si Rommel (Zanjoe), ang kasama ng kanyang kuya sa pagsusundalo. Hindi niya inasahang mahuhulog ang kanyang loob sa binata na kalaunan ay naging asawa niya.

Naging maayos ang kanilang relasyon hanggang dumating ang isang dagok sa kanila – nakunan si Ani at na-diagnose na may Poly Cystic Ovarian Syndrome (PCOS). Gusto man nilang pagtuunan ng pansin ang pagbuo ng pamil­ya, kinailangan naman ni Rommel na umalis at pumunta sa Marawi.

Mabuo pa kaya ang pangarap nila na magkaroon ng masayang pamilya? Makabalik pa kaya si Rommel para tuparin ang kanyang pangako kay Ani?

Ang episode ay sa ilalim ng direksyon nina Dado Lumibao at panulat ni Benson Logronio.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with