^

PSN Showbiz

Habang paganda nang paganda si Nadine, James namamayat!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Habang paganda nang paganda si Nadine, James namamayat!

James Reid

John Lloyd kandidato sa tokhang!

SEEN: “Candidate for tokhang” ang pinakamalupit na komento tungkol sa viral videos ni John Lloyd Cruz na ikinabahala ng kanyang mga tagahanga.

SCENE: Isang matindi na damage control ang kailangan ni John Lloyd Cruz pero forever nang mapapanood sa Internet ang viral videos niya na inilabas ng grupo ni Ellen Adarna.

SEEN: Ang libreng publicity para sa LPG tank na mistulang ipino-promote ni John Lloyd Cruz sa drunken viral video niya.

SCENE: Ipinapalabas sa Jeepney Channel ang mga old television guesting ng former child actor na si LA Lopez na kaboses na kaboses at pareho ng kilos ni Baeby Baste ng Eat Bulaga.

SEEN: Si Luis Manzano ang guest co-host sa It’s Showtime dahil matagal na mawawala si Vhong Navarro na may series of shows sa ibang bansa, kasama si Karylle.

SCENE: Si Luis Manzano ang host ng Philippine edition ng I Can See Your Voice, ang singing competition ng ABS-CBN para sa mga sintunado. Mapapanood ngayong September ang I Can See Your Voice, ang music show na nag-originate sa South Korea.

SEEN: Ang 25th anniversary show ng Star Magic sa October 29 sa Singapore. Magsisimula ng 2 p.m. ang anniversary concert at performers ang mga talent ng Star Magic.

SCENE: Habang lalong gumaganda si Nadine Lustre, nangangayayat at haggard na haggard ang kanyang boyfriend na si James Reid.

SEEN: Hindi naging sagabal ang maulan na panahon kahapon para sa mga Marcos loyalist na nagpunta sa Libingan ng mga Bayani dahil ginunita nila ang 100th birth anniversary ni ex-President Ferdinand Marcos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with