^

PSN Showbiz

Dalawang pelikula ni AiAi sabay ipalalabas! ; Isa pang anak ni Sen. Sotto hindi na nakatiis!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nominado na naman si AiAi delas Alas sa Best Actress category sa Asean Internatio­nal Film Festival mula sa pelikula niyang Area, kung saan nominado rin si Allen Dizon. Dadaluhan ng producer nila na si Baby Go ng BG Films ang naturang international filmfest sa Malaysia, at natutuwa siya dahil tamang-tama lang daw ito dahil nakatakdang ipa­labas muli ang Area sa Sine Local, at mapapanood na ito sa ilang SM cinemas.

Makakasabay pa yata nito ang Mighty Yaya ni AiAi na binigyan naman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng G rating. Kaya tuwang-tuwa ang Co­me­dy Queen dahil maaaring mapanood ang naturang pelikula ng buong pamilya.

PAK: Sobrang na-enjoy ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang kanilang bakasyon sa Puglia, Italy kung saan dadaluhan nila ang kasal ng stylist at kaibigan ni Judy Ann.

Tinitiyak ni Juday na bakasyon lamang iyon at wala silang balak na dun gawin ang isusunod kay Luna. Sa tono ng sagot ng host ng Bet On Your Baby, tama na sa kanya ang mga anak nilang si Yohan, Lucho, at Luna.

Kailangan pa siyang tumutok kay Luna na sobrang kulit daw at napakalikot, kaya naisip niyang hu­wag na munang sundan. Kung sakaling masundan man ay matagal pa raw.

Sa May 10 ang balik ng mag-asawa, at pag-iisipan pa ni Juday kung maghahanda ba siya sa kanyang kaarawan sa May 11.

Kailangan pa niyang mag-promote para sa Bet On Your Baby na maaaring ito ang Mothers Day at birthday presentation ni Judy Ann para sa mga manonood.

BOOM: Si Danica Sotto-Pingris na ang nakiusap sa followers ng pinsan niyang si Ciara Sotto na huwag nang mag-post ng kanilang comment sa isyung ‘na ano’ ni Sen. Tito Sotto. Nagbabakasyon si Ciara sa Japan kasama ang kanyang anak na si Crixus, at mukhang nag-i-enjoy sila roon at hindi nagpapaapekto sa matinding pambabatikos sa kanyang ama.

Ang isang kapatid ni Ciara na si Gian Sotto ang nagbigay ng kanyang saloobin kaugnay sa isyu ng kanyang ama at pinagdaanan ng buong pamilya.

Nag-post si Gian sa kanyang Instagram account ng mahabang statement bilang pagtatanggol sa kanyang ama.

Ani Gian, “Gusto ko po manahimik na lang sana, pero hindi po kaya ng puso ko. Puno ng galit at masasakit na salita itong nakaraang 24 hours sa Press/News/Social Media. Kaliwa’t kanan na pambabatikos at paninira sa aking tatay, sa aking kapatid at sa aking pamilya. Yes, nagkamali po ang tatay ko sa joke niya, and he is sorry for it. Hindi po ibig sabihin nito ay masamang tao na siya.

“Nobody is perfect. Lahat po tayo nagkakamali. But, he is the best husband, father and grandfather, and I thank God for him everyday. And this is why I’m speaking up. I will forever honor my father. It was never his intention to offend or to insult anyone. He never doubted the capabilities of single parents. May mga kapatid akong single moms at mga kaibi­gang solo parents, kaya alam po namin na hindi madali ang buhayin ang pamilya ng mag-isa. Walang sinabi ang tatay ko na hindi kaya ng isang solo pa­rent, at ng kanyang pamilya na magtagumpay sa buhay at makamit ang kanilang mga minimithi.

“Alam ng Diyos kung ano ang nasa puso ng tatay ko at ‘yun ang pinakaimportante sa lahat. Alam ko na malalampasan namin ito dahil kasama namin ang Diyos. Sa bawat pagsubok we put our trust in God. Thank You Lord for Your Strength and Your Grace, every single day! We lift our family up to You! Da, I love you so much, po!”

vuukle comment

ALLEN DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with