^

PSN Showbiz

Beteranong aktor na si Romeo Vasquez namatay sa Amerika!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kasama namin kahapon sa lunch invitation ng aking bestfriend Pinky Tobiano ang former actress na si Liberty Ilagan, ang nanay ni Happy Ongpauco, ang owner ng Pamana restaurants.

Matagal nang nag-retire sa showbiz si Mama Libay kaya puro biyahe sa iba’tibang mga bansa ang pinagkakaabalahan niya.

Maraming kuwento si Mama Libay tungkol kay Romeo Vasquez, ang veteran actor at ex-husband ni Amalia Fuentes na sumakabilang-buhay noong May 2 sa Los Angeles, California.

Nagkasama sina Mama Libay at Romeo sa mga pelikula ng Sampaguita Pictures pero si Jose Mari Gonzales ang madalas na kapareha niya.

Ang ganda-ganda pa rin ni Mama Libay. Ang sabi nga ni Bambbi Fuentes, mukhang manika ang nanay ni Happy.

Si Happy ang caterer sa lunch invite ni Mama Pinky at tulad nang dati, masasarap na pagkain ang inihanda niya. No wonder, hit na hit sa mga mahihilig kumain ang Pamana restaurants niya sa Tagaytay City at sa Quezon City.

Pinoy.com tuloy ang grand lAunch

Ibinalita ni Mama Pinky na tuloy na tuloy sa June 4 ang grand launch sa Hong Kong ng www.pinoy.com, ang website na number one mission ang mapaglingkuran ang mga OFW sa buong mundo.

Excited na ang mga Pinoy sa malaking event ng www.pinoy.com na project ni Juancho Robles, ang better half ni Mama Pinky.

Sa dami ng mga artista na sumusuporta sa www.pinoy.com, asahan natin na star-studded ang Hong Kong event sa susunod na buwan.

Sirene Sutton hindi raw narinig ang tanong sa Binibini

Protegee ni Bambbi Fuentes si Sirene Sutton, ang Bb. Pilipinas candidate na kinabahan sa question and answer kaya hindi niya nasagot nang maayos ang tanong.

Kinumpirma ni Bambbi na hindi masyadong narinig at naintindihan ni Sirene ang tanong dahil sobrang ingay ng Smart Araneta Coliseum audience.

Nanood si Bambbi ng coronation sa Big Dome at kahit siya, hindi niya naintindihan ang question ng judge na si Mitzi Borromeo dahil maligalig ang mga tao.

Bukod sa nagsisigawan ang manonood, may mga gumamit ng torotot kaya “parents” lang ang word na narinig ng pobreng kandidata na malaki sana ang tsansa na manalo kung hindi siya sumablay sa question and answer segment.

Twenty-three years old pa lang si Sirene. Puwede pa siya na sumali sa Bb. Pilipinas sa susunod na taon pero mangyayari lamang ito kung hindi na-trauma sa Sirene sa naging karanasan niya.

Understandable na iniyakan ni Sirene ang naganap na magagamit nito na inspirasyon para ituloy niya ang pangarap na maging beauty queen.

Singer-actor may bagong actor na karelasyon

No comment ang friend ng isang singer-actor tungkol sa tsismis na pumapatol ito sa kapwa lalake.

Kilalang-kilala ko ang friend ng aktor. Mas pipiliin niya na itikom ang bibig kesa i-deny ang mga isyu na may katotohanan.

Matagal nang magkaibigan ang singer-actor at ang friend ko na hindi na nagtataka kung bakit hanggang ngayon, wala pang girlfriend ang mhin na pinagdududahan ang gender.

Kasi nga, alam ng friend ko ang the truth and nothing but. Kesa magsinungaling, hindi na lang siya magsasalita para hindi na humaba pa ang isyu.

Kung meron man dapat sisihin, ang singer-actor din dahil hindi siya discreet. Hindi  siya nag-iingat kaya nalalaman ng mga tao ang extra-curricular activities niya.

vuukle comment

PINKY TOBIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with