^

PSN Showbiz

Mga anak ng aktres mas mahal ang kanilang mga yaya!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nu’n palang mga panahong parang namimiruya lang ng pera ang isang female personality dahil sa dami ng kanyang trabaho ay malapit nang maapektuhan ang sitwasyon ng kanyang personal na buhay.

Milyunan ang kanyang kinikita, magsalita lang siya nang ilang segundo sa isang patalastas ay kayamanan na ang katapat nu’n, hiwalay pa du’n ang kinikita niyang milyunan din sa telebisyon at pelikula.

Pero ano ang naging kapalit ng matagumpay niyang career? Lumayo ang loob sa female personality ng mga taong mahal na mahal niya, ayaw nang sumama sa kanya ng mga ito kapag umuuwi siya, naging mas malapit na ang kanyang mga anak sa kani-kanilang yaya.

Kuwento ng aming source, “Nangyari sa kanya ‘yun, naging malaking problema sa kanya ang mga bata, dahil parang nararamdaman niya nang lumalayo ang loob sa kanya.

“Kapag umuuwi sa probinsiya ang yaya ng anak niya, e, humahabol ang bata, kaya ang nangyayari tuloy, e, pinasasama niya na lang ang anak niya sa mahal na mahal na yaya ng bagets.

“Kung ilang araw sa probinsiya ang yaya, e, ganu’n din ang anak niya. Nagtatawagan na lang sila ng yaya, tsine-check ang anak niya, dahil ayaw ngang maiwan sa kanya dito sa Manila.

“Ganu’n din ang isa pa niyang anak, dikit na dikit ‘yun sa yaya niya, ayaw na ring sumama sa mommy niya. ‘Yun ang naging problema niya, kung paano niya mawi-win ang loob ng mga anak niya,” pagdedetalye ng aming impormante.

May nagpayo sa female personality na bumawi siya sa kanyang mga anak, mahabang panahon ang kailangan niyang gugulin para sila magkasama-sama, dito man o sa ibang bansa ang magiging bonding nila.

“Kita n’yo, ang dalas-dalas nilang mag-abroadd? Nagbabakasyon sila, bonding-bonding sila, pero kasama pa rin ang yaya ng mga bagets nu’ng una, ‘di ba?

“Nitong bandang huli na lang naman niya hindi na isinasama ang mga yaya ng anak niya, nakuha na kasi uli niya ang loob ng mga bata, kaya successful siya!” madiing sabi pa ng aming source.

Ubos!

Mr. Fu ‘di na natiis ang pambu-bully 

Kung walang kasiguruhan sa mundo ng telebisyon at pelikula ay ganu’n din sa mundo ng radyo. Nagririgodon din ang mga personalidad, nagpapabagu-bago ng tahanan, tulad ni Mr. Fu na mula bukas ay maririnig na sa Win Radio 91.5 tuwing alas otso hanggang alas onse nang umaga.

Galing si Mr. Fu sa Energy FM, pero siya na rin naman ang nagpahayag na wala na siyang energy ngayon sa pagtitiis sa mga nambu-bully sa kanya sa istasyon, kaya pack-up na siya.

Tiyempo naman na pumasok sa dati niyang istasyon si Papa Jack, nainiksiyunan tuloy ng intriga ang kanyang pag-alis, na-insecure daw siya sa kanyang kapwa radio anchor?

Sabi ni Mr. Fu, “Me ganu’n?” sabay pakawala ng halakhak na kanyang-kanya lang. “Nakapag-resign na po ako nu’ng pumasok siya, kaya walang ganu’ng kuwento.”

May kakaibang istilo sa pang-aaliw sa kanyang mga tagapakinig si Mr. Fu. Siya ang pinag-ugatan ng linyang “Me ganu’n?” pero mas gusto naming maglantad ng isang kuwentong ngayon lang malalaman ng kanyang mga tagahanga.

Mabuting anak at kapatid si Mr. Fu pero matindi ang pagpapahalaga niya sa privacy. Nakatira siya sa isang condo unit na kahit pinakamalalapit niyang kaibigan ay hindi pa nakapupunta.

Kahit ang kanyang driver na ilang taon nang nagseserbisyo sa kanya ay hanggang sa pintuan lang ng kanyang unit, iniaabot lang nito sa kanya ang mga kagamitan niya pagkatapos ng kanyang taping, tanging pamilya lang ni Mr. Fu ang nakapapasok sa kanyang tinitirhan.

Minsan ay inusisa namin siya tungkol du’n at naiintindihan namin ang kanyang paliwanag. Gusto niyang magkaroon ng panahon na para sa kanya lang, mag-isa lang siya. Dahil ang buhay niya nga naman ay pampubliko na.

Me ganu’n talaga. May mga taong masaya sa kanilang pag-iisa, hindi sila humuhugot ng kasiyahan sa gitna ng maraming tao, mas naabot nila ‘yun sa kanilang kapribaduhan.

Kaya mula bukas, Obet Sapin naming mahal, ay sa Win Radio 91.5 na maririnig si Mr. Fu. Ganu’ng oras pa rin, alas otso nang umaga hanggang alas onse, check!

Me ganu’n!

vuukle comment

ANAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with