^

PSN Showbiz

Arnel Pineda sa building dinadala ang kinikitang dolyares sa Journey

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kahapon ko lang nalaman na pag-aari ng singer na si Arnel Pineda ang property sa kanto ng EDSA at Timog Avenue.

Daan-daang milyong piso ang halaga ng property ni Arnel kaya saludo ako sa kanya dahil marunong siya na magpundar ng mga ari-arian.

At least, maganda ang kinapuntahan ng mga kinita ni Arnel bilang lead vocalist ng American rock band na Journey.

Sampung taon nang member si Arnel ng Journey at US dollars ang kanyang talent fee kaya hindi nakapagtataka na nakaipon siya at bongga ang mga investment niya.

Kung gugustuhin ni Arnel, puwedeng-puwede na siya na mag-retire sa pagkanta na malabo na mangyari dahil love na love niya ang kanyang singing career.

Magandang halimbawa si Arnel sa lahat ng mga artist na nabigyan ng magandang break pero hindi lumaki ang ulo o napariwara ang buhay.

Lorna per contract lang sa Kapamilya

Matagal pa ang airing ng Victims of Love, ang bagong primetime teleserye project ni Lorna Tolentino sa ABS-CBN.

Hindi exclusive ang kontrata ni LT sa Kapamilya Network kaya mapapanood siya sa Lenten Special ng Eat Bulaga.

Pagpapatawad ang title ng episode na pagbibidahan ni LT at kasama niya sina Patricia Tumulak, Jennica Garcia, Taki, at Baste.

Si Gina Alajar ang direktor ng Pagpapatawad na ipalalabas sa Holy Monday, April 10, sa Eat Bulaga.

Baguhang singer na si LA hindi pinapayagang magka-lovelife

Flor Brioso-Santos ang pangalan ng bagong BFF namin ni Papa Ricky Lo. Si Flor ang loving mother ni LA Santos, ang baguhang singer na nag-launch ng debut album niya sa Star Music noong Martes.

Bilib ako kay Flor dahil malaki ang kinalaman niya kaya natupad ang dream ni LA na maging singer at magkaroon ng sariling album.

May autism disorder si LA at napansin ito ni Flor noong maliit na bata pa ang kanyang anak.

Hindi nag-aksaya ng panahon si Flor dahil nag-research siya tungkol sa kalagayan ni LA.

At para hindi magkaroon ng dull moments si LA, in-encourage siya ni Flor na maglaro ng basketball, taekwondo, swimming, at soccer.

Nang magbinata ang kanyang anak, saka na-discover ni Flor na pagkanta pala ang passion ni LA.

Maraming struggle si Flor para maging normal ang pamumuhay ni LA at nagtagumpay siya na tanging pagmamahal sa anak ang puhunan.

Sa edad na 17, hindi pa pinapayagan ni Flor na ma-in love si LA dahil ayaw niya na makaranas ng heartaches ang kanyang anak.

Mabuting bata naman si LA dahil sinusunod nito ang lahat ng kagustuhan ng nanay niya. Alam ng bagets na para sa sariling kapakanan ang mga ginagawa ni Flor.

Si Flor ang punong-abala sa pag-aasikaso sa mga bisita sa bonggang launch ng debut album ni LA na may 9-tracks, ang Miss Terror, Mine, Ikaw Kasi, Bakit Ang Pag-Ibig, Hanggang Kailan, When I Was Your Man, Forever’s Not Enough, Tinamaan, at ang One Greatest Love.

Napakaganda ng lyrics ng One Greatest Love dahil inspired ito ng unconditional love ni Flor para sa kanyang mga anak, lalong-lalo na kay LA.

vuukle comment

ARNEL PINEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with