^

PSN Showbiz

Sylvia ikakasal ulit!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Gagawin ng ina ang lahat para sa anak at pinatunayan ito ni Gloria (Sylvia Sanchez) matapos niyang aminin ang kanyang pinakatatagong sikreto kay Amanda (Dimples Romana) sa Kapamilya afternoon drama na The Greatest Love, na lubos na umantig at nagpahanga sa mga manonood noong Martes (March 21).

Pinabilib ni Gloria ang mga tagasubaybay sa pinakita niyang tibay ng loob nang ipagtapat niya kay Amanda na siya ay resulta ng panggagahasa ng dating asawang si Andres.

Bukod naman sa katatagan niyang pinamalas, hinangaan din ng mga manonood ang pagpapakita ni Gloria ng tapang at pagsakripisyo para sa mga anak, kahit gaano man ito kasakit at kabigat. At sa kabila naman ng hirap na kanyang dinaranas dahil sa Alzheimer’s disease, pinatutunayan niya ang wagas niyang pagmamahal bilang ina sa kanyang paglaban sa sakit upang mapanatili na masaya at kumpleto ang kanilang pamilya hanggang sa abot ng kanyang kakayanan.

Dahil nga sa makabagbag-damdaming eksena, nagtala ang serye ng national TV rating na 15.5 noong Martes (March 21), ayon sa datos mula sa Kantar Media. Samantala, nanguna rin sa listahan ng trending topics ang official hashtag ng palabas na #TGLGreatestSacrifice na umani ng libo-libong tweets. Nagkamit na rin ng 2.3 million views ang eksena sa Facebook.

Panoorin ang hindi malilimutang kuwento tungkol sa pambihirang pagmamahal ng ina para sa kanyang mga anak sa The Greatest Love, tuwing hapon pagkatapos ng The Better Half sa ABS-CBN.

vuukle comment

SYLVIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with