^

PSN Showbiz

Gabbi gustong pakasalan ng laman lupa!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sa pagpapatuloy ng Encantadia, magkakasama sa pagtatago sa higante sina Mira (Kate Valdez), Ariana (Arra San Agustin), at Muyak (Klea Pineda). Gagamit din si Mira ng kapangyarihan para makatakas sila sa Higante.

Nagpunta sa kakahuyan si Aquil (Rocco Nacino) at Danaya (Sanya Lopez) ngunit tinurukan ng pampatulog ni Aquil si Danaya. Magpapalit ng wangis si Aquil at magiging si Danaya.

Nagising si Alena (Gabbi Garcia) matapos siyang mapatulog ng isang laman lupa. Inalam niya kung ano ang maaaring maging dahilan upang makipagkasundo ang mga laman lupa sa ibang Adamyan. Sasabihin ni Memfes (pinuno ng mga laman lupa) na papayag lamang siya makipagkasundo kung mapapangasawa niya si Alena. Hindi pumayag si Alena.

Napag-alaman naman ni Pirena (Glaiza de Castro) na hindi pa bumabalik si Danaya kaya’t gagamitin niya ang brilyante ng apoy upang patibayin ang encantasyon na inilagay nila sa Lireo na walang etherian ang makakapasok sa Lireo.

Ginamit ni Avria (Eula Valdes) ang kanyang kapangyarihan upang magpalit sila ng wangis ni Danaya.

Magkasama si Luna (Inah de Belen) at Gilas (Jake Vargas) na tinatakbuhan ang mga higante. Hindi ito kakayanin ni Luna kaya’t agad na lilituhin ni Gilas ang higante gamit ang kaniyang kapangyarihan para mailigtas si Luna.

Makikita ni Pirena si Danaya sa kakahuyan kaya’t isasama na niya ito pabalik ng Lireo. Lingid sa kanyang kaalaman na ito si Avria.

Abangan ang marami pang rebelasyon sa Encantadia gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA 7.

 

vuukle comment

GABBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with