^

PSN Showbiz

Kim mas bagay na kapalit sa Showtime, Anne aligaga na sa kasal?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sino kaya ang makukuhang kapalit ng It’s Showtime para kay Anne Curtis na bakasyon sa show dahil nag-aasikaso ng kanyang magiging wedding na kung hindi sa Pebrero ay baka sa Hunyo magaganap.

Kailangang may makapalit si Anne at dapat ay payag din itong mapaglaruan ng ibang co-host ng show. Aliw ang mga manonood ng programa sa palitan nila ng biro ni Vice Ganda.

Si Kim Chiu na lang kaya na nabalita noon na papalit kay Anne? Game din si Kim sa mga lokohan at nasubukan na rin naman siya sa nasabing programa?

Bakit pa sila maghahanap ng iba?

Ejay ibinuko ang pambu-bully ni Ellen!

Kung dati ay sapat nang ngitian ni Ejay Falcon ang mga tanong tungkol sa kanila ni Ellen Adarna, never nitong inamin na nagkaroon sila ng totoong romansa. Whatever relationship they had ay parang promosyon lang ng serye na ginagawa nila. Pero sinabi ni Ejay na nag-I love you siya sa seksing aktres kahit mabilis ding natapos ang kanilang relasyon, kasabay din ng pagtatapos ng kanilang serye.

“Masyado kasi siyang bully,” paliwanag niya.

Sa ngayon ay maligaya siya sa bago niyang girlfriend na si Jana Roxas na binigyan siya ng isang hindi makakalimutang selebrasyon ng kanyang ika-27 kaarawan. Na-touch siya sa ginawa nitong effort na mapagsama-sama ang pamilya niya’t mga kaibigan sa isang pagdiriwang.

Kasabay ng masayang lovelife ng Pinoy Big Brother (PBB) winner ay ang magandang takbo ng kanyang karera. Dumami na ang pagganap niya sa pagpapaseksi sa pamamagitan ng paggawa ng mga maseselang eksena at paghuhubad, pero sinabi niyang hinding-hindi siya gagawa ng frontal nudity. Kasama siya sa ipinalalabas pa sa sinehang Extra Service bilang katambal ni Arci Muñoz. Ang dalawa pa nilang kasama sa movie ay sina Jessy Mendiola at Coleen Garcia. Kasama rin siya sa teleserye ng ABS-CBN na The Promise of Forever with Ritz Azul and Paulo Avelino.

Pepe may reserba para hindi agad ma-miss ng fans

Kinumpirma ni Pepe Herrera na ang kalusugan niya ang tanging dahilan kaya pinatay na completely ang character niya sa FPJ’s Ang Probinsyano na mahigpit na tinututulan ng mga tagasubaybay niya at ng manonood ng serye na nagtatampok kay Coco Martin. Pero bago sila umalis ng kanyang ina na sasamahan niya para sa patuloy nitong pagpapagaling ng kanyang sakit at para rin sa pagpapagaling niya ng mga sakit na natuklasan ng mga doktor ay mapapanood ang mga huling serye ng kanyang musical na Sa Wakas na palabas sa The Circuit ng Makati na gamit ang mga kanta ng Sugarfree at ni Ebe Dancel.

Ipinagmamalaki niya ang nasabing musical dahil nakatanggap siya ng Best Actor para sa kanyang role rito. May maiiwan din siyang isang proyekto, ang Kung Sakaling Hindi Makarating kasama si Alex Gonzaga. Sa pamamagitan nito ay inaasahan na maaaliw ang mga tagahanga niya sa paghihintay sa kanyang pagbabalik.

LJ at Julie Anne matindi ang labanan

Sinabi ni Gina Alajar na hindi mahuhuli ang acting nina LJ Reyes at Julie Anne San Jose sa TV version ng pelikulang Pinulot Ka Lang Sa Lupa na nagtampok kina Maricel Soriano at Lorna Tolentino. Magaling nang umarte ang dalawa na mas pinagaling pa ng workshops na pinagdaanan nila at pinakuha sa kanila ng kanilang direktor.

Si Julie Anne ay isang homegrown talent ng GMA na talagang exclusive sa Kapuso Network at si LJ naman ay nagkakamal na ng acting nominations and awards para sa mga proyekto niya sa network. Kasama nila sina Martin del Rosario at Benjamin Alves, Ara Mina, Jean Garcia, Victor Neri, Allan Paule at marami pang iba.

Nakikiramay…

Pumanaw na ang isa sa pinakamamahal na lady producer ng pelikulang Pilipino na si Donna Villa. Kasama ang kanyang kabiyak na si Carlo Caparas, gumawa ng ilang malalaki at hindi malilimutang pelikula ang mag-asawa sa ilalim ng kanilang Golden Lions Productions.

Namatay sa kanyang sakit na cancer  of the uterus sa UST Hospital si Donna na maliban sa kanyang asawa’t dalawang anak ay wala nang nakakaalam ng karamdaman niya. Nakikiramay ako ng lubos sa kanyang mga naiwan.

vuukle comment

KIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with