^

PSN Showbiz

Mentor na uli sa The Voice Sarah balik sa dating-gawi!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mentor na uli sa The Voice Sarah balik sa dating-gawi!
Boss VIc

Movie with John Lloyd Cruz, concert in November, new album at mentor sa The Voice Teens.

Yup, balik sa dating gawi ang Pop Royalty na si Sarah Geronimo sa pagpasok ng 2017 ayon sa manager niyang si Mr. Vic Del Rosario.

“Naka-recharged na siya, enjoy na uli siyang magtrabaho,” sabi ni Mr. Del Rosario sa isang kuwentuhan last Monday.

Pinayagan kasi niyang magbakasyon ang alaga ng dalawang buwan last year. “Nag-enjoy siya sa bakasyon. Nakapahinga,” dagdag niya. “Since 2003 puro trabaho ang ginawa ni Sarah. Kaya tama lang na nagbakasyon siya

“Active na siya uli. Alam na niya ang direction niya,” dagdag ni Mr. Del Rosario na kinasanayang tawaging Boss Vic ng mga taga-showbiz.

Banggit pa ng big boss ng Viva Group of Companies : “Parang nagbibiyahe ‘yan ‘di ba. Hindi puwedeng dire-diretso ka. Kailangan mo ring mag-stop over para magkarga ng gas.”

Hanggang June na raw puno ang sked ni Sarah kasama na ang mga sked nito sa mga bagong endorsement. So far, more than 30 ang endorsements ni Sarah at may mga bago pa raw.

Donna Villa nanggulat, namaalam sa sakit na cancer

Nagulat ang buong showbiz kahapon sa pagkamatay ng mega producer na si Ms. Donna Villa, ang mabait na misis ng director at batikang comics writer na si Carlo Caparas. Siya ay 57 years old lang.

As of presstime, wala pang malinaw na dahilan ang biglaang pagpanaw ni Ms. Donna. Ang umikot lang na kuwento, late na raw nang ma-detect na may cancer si Ms. Donna.

Pero walang makapagsabi kung anong klaseng cancer.

Last January 10 umano nang dalhin ang ‘masscre’ film producer sa UST Hospital.

vuukle comment

THE VOICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with