^

PSN Showbiz

Lovelife ni Mommy D biglang nawala sa eksena

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi pala ekstra sa Tatlong Bibe si Dionisia Pacquiao dahil mahaba ang role niya sa pelikula na maaga na nagpatawag ng presscon pero sa March 1 pa ang playdate.

Hindi umapir si Mommy D sa presscon ng Tatlong Bibe at maganda sana kung dumalo ang madir ni Senator Manny Pacquiao dahil siguradong pagkakaguluhan siya ng entertainment press na interesado na malaman ang estado ngayon ng lovelife niya.

Matagal na kasi na walang balita tungkol sa love affair ni Mommy D at ng kanyang young boyfriend na si Michael Yamson.

Year 2014 nang aminin ni Mommy D sa publiko ang relasyon nila ni Michael na halos apo na niya. In fairness, tinanggap agad ng madlang-bayan ang relasyon ng dalawa dahil hindi nag-iisa ang nanay ni Papa Manny. Isa lamang siya sa maraming Pinay na malaki ang agwat ng edad sa kanilang mga dyowa.

Madrama at hindi comedy ang mga eksena ni Mommy D sa Tatlong Bibe at si Eddie Garcia ang madalas na kasama niya.

Ang tsismis, hindi nagpatalbog as in nakipagsabayan si Mommy D sa acting ng veteran at multi-awarded actor.

Matagal pa ang showing sa mga sinehan ng Tatlong Bibe at magkakaroon pa ito ng another presscon. Malay natin, baka available na si Mommy D sa next presscon ng bagong pelikula niya.

Mga bata at may sakit hindi na dapat isinasama sa Traslacion

Halos 700 ang bilang ng mga kababayan natin na tumaas ang blood pressure nang sumali sila sa prusisyon ng Black Nazarene, ang patron saint ng Quiapo Church noong Lunes.

Kahit mataas ang sikat ng araw at maalinsangan ang panahon, hindi nagpaawat ang mga deboto ng Black Nazarene sa pagsali sa Traslacion.

May mga nasugatan din dahil sa siksikan at may mga bata na nawala dahil sa kaguluhan.

Naiintindihan ko ang debosyon ng mga tao sa Black Nazarene pero hindi na dapat isama ang mga bata sa Traslacion at kung alam mo na hypertensive ka, huwag nang makigulo sa mga nagsisiksikan na tao. Hindi naman ipinagbabawal na tingnan ang imahe ng Itim na Nazareno mula sa malayo. Ang mahalaga, ang pananampalataya natin sa Diyos.

Ang sabi nga ni Elsa sa pelikulang Himala, ‘Ang himala ay nasa puso ng tao.’

Donald Trump sinagot si Meryll Streep!

Sobrang powerful ng speech ni Meryll Streep nang tanggapin nito ang Cecil B. DeMille Lifetime Achievement Award sa Golden Globe Awards noong Linggo kaya pati ang US president-elect na si Donald Trump, nag-react dahil guilty siya.

Kinuyog si Trump ng bashers niya dahil sa kanyang reaksyon na “Meryll Streep, one of the most overrated actresses in Hollywood, doesn’t know me but attacked last night at the Golden Globes. She is a Hillary flunky who lost big.

“For the 100th time, I never “mocked” a disabled reporter (would never do that) but simply showed him... “groveling” when he totally changed a 16 year old story that he had written in order to make me look bad. Just more very dishonest media!”

Star talaga si Lola Meryll dahil nabulabog niya ang incoming president ng USA at ang mga supporter nito.

Mahusay talaga na aktres si Meryll na minsan nang ginaya si Trump sa isang gala benefit noong June 2016. Hit na hit sa buong mundo ang impersonation kay Trump ng aktres na tinawag niya na overrated.

vuukle comment

DIONISIA PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with