^

PSN Showbiz

Kim grabe ang ginawang training para masabayan si Gerald!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kim grabe ang ginawang training para masabayan si Gerald!
Gerald Anderson at Kim Chiu

Sobrang excited na si Gerald Anderson na mapanood ng kanilang mga tagahanga ni Kim Chiu ang teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin. Ito ang nagsisilbing reunion project ng dalawa pagkatapos ng kanilang hiwalayan bilang magkasintahan ilang taon na ang nakalilipas.

Masayang-masaya si Gerald dahil may kinalaman sa sports ang kanilang bagong serye. “Nag-e-enjoy kami sa taping. Lalo na ‘pag mga eksenang nag-e-exercise, nagba-bike o tumatakbo, nae-excite kami. Kasi ito ‘yung first time na tungkol sa triathlon,” nakangiting bungad ni Gerald.

Naipakikita rin ng aktor ang kanyang sporty side sa bagong serye kaya lalo raw siyang ginaganahang magtrabaho ngayon. “Behind the camera, sobrang active ako sa sports. Something na gusto kong ipakita sa tao. And kung gaano kahalaga at importante ito, alam kong maraming makaka-relate dahil mga Pinoy, napaka-sporty,” giit ni Gerald.

Samantala, kinailangan pa raw mag-training ni Kim upang magampanan ng tama ang kanyang role sa nasabing proyekto. “Nag-training kami, nag-swimming, nag-bike and then nag-run. ‘Yung bike and run, hindi naman siya bago sa akin. Kasi I love running and then ‘yung bike, siguro pwede na. ‘Yung swimming lang talaga ‘yung pinakamahirap sa akin ‘yung mag-freestyle. Kasi ang ginagawa ko naman sa swimming, sisid-sisid, ‘yung normal. Ito may proper training talaga,” nakangiting kwento ni Kim.

Ayon sa aktres ay ibang-iba ang kanyang karakter ngayon dahil hindi heavy drama ang tema ng kanilang serye. “’Pag teleserye lagi akong seryoso. Laging drama, iyak kaagad pilot week pa lang. Gusto ko iba naman, ito kasi close to my personal character, ‘yung totoong ako talaga, ‘yung jolly, bubbly, ‘yung gano’n. Dito naipakita ko siya, nailabas ko siya,” pagbabahagi ni Kim.

Coco ayaw paglaruan si Yassi

Masaya si Coco Martin para sa career ng kanyang katambal ngayon sa FPJ’s Ang Probinsyano na si Yassi Pressman. Mas nakilala niya ang aktres mula nang lumipat ito sa Kapamilya network noong isang taon. “Happy ako for Yassi kasi nabibigyan natin siya ng opportunity, from other network pumasok siya sa PBB (Pinoy Big Brother) house. After PBB nabigyan siya ng chance sa Probinsyano. Nakakatuwa kasi may opportunity na bukas para sa kanya agad,” nakangiting pahayag ni Coco.

Marami ang kinikilig sa mga eksena ng aktor at Yassi sa serye kaya may bulung-bulungan na may espesyal ng ugnayan diumano ang dalawa ngayon. “Siyempre dapat kikiligin ka kasi honestly mahirap i-acting ang mga bagay. Kasi bilang artista kailangan nararamdaman mo, ‘yung inaarte mo, pinaniniwalaan mo. Bilang artista alam ko rin ang limitation ko. Ayaw kong i-take advantage ‘yon at ayaw ko maglaro sa kahit sinong tao,” makahulugang paliwanag ng aktor.

vuukle comment

KIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with