^

PSN Showbiz

Mga namaalam, napalitan ng bagong mukha sa showbiz!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Matagal nang live-in partners sina Solenn Heussaff at ang kanyang Argentinian fiancé na si Nico Bolzico nang magdesisyon ang dalawa na magpakasal sa France noong May 21, 2016 kasunod ng pagpapakasal ng isa sa mga close friends ni Solenn na si Georgina Wilson na nagpakasal naman in London sa British husband na nito ngayong si Arthur Burnand. Ang mag-asawa ay mayroon nang baby boy, si Archie.

Noong June 11, 2016 ay pumanaw ang bida ng pelikulang Zuma (1985) na si Max Laurel sa edad na 71 dahil sa atake sa puso.

Ang kilalang impersonator na si Ate Glow (Rene Boy Facunla sa tunay na buhay) ay nagpakasal sa kanyang British boyfriend sa London on June 2, same day nang mag-out ang mister ng mode­   long si Joey Mead, ang negosyanteng si Ian King. Pero sa kabila nito ay nanatili ang pagiging mag-asawa ng dala­wa kahit pareho na silang naka-damit babae.

Noong July 14, sumakabilang-buhay ang ex-husband ng kauna-unahang Filipina Miss Universe na si Gloria Diaz at ama ng aktres na si Isabelle Daza na si Bong Daza sa edad na 65. He died of heart attack.

Marami naman ang ginulat ng Pinoy Got Ta­lent first grand winner na si Jovit Baldovino nang magsilang ang kanyang fan-turned girlfriend na si Shara Chavez ng kanilang unang supling na baby girl, si Akeya noong July 29. Kinabukasan, July 30 ay ikinasal naman ang ex-boyfriend ng Korean pop star na si Sandara Park na si Joseph Bitangcol sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Frencheska Tonson.

Last August 8, isinilang ng misis ng director na si Lino Cayetano na si Fille Cainglet-Cayetano ang kanilang second baby (girl) na kanilang pinanga­lanang Fille Renee. Ang kanilang panganay na anak ay si Ino, two years old.

Tatlong celebrity babies ang isinilang noong August 8. Bukod sa second child ng mag-asawang Lino at Fille Cayetano, isinilang din ng aktres na si Tanya Garcia ang ikatlong anak na babae nila ng mister niyang si Mark Lapid, si Madeleine. Ang kanilang panganay na anak ay si Mischa Amidala (9) at sumunod naman si Matilda Anika (5). Ito rin ang araw nang isilang ng kasintahan ni James Yap na si Michela Cazzola ang first baby nilang si Michael James. At noong August 14, isinilang naman ni Diana Zubiri ang first baby nila ng kanyang second husband na si Andy Smith na si Aliyah Rose. Si Diana ay may isang anak na lalaki sa namayapa niyang unang husband na si Alex Lopez na sumakabilang-buhay noong 2010.

Noong September 10, nagpakasal sa Tuscany, Italy sina Isabelle Daza at French fiancé niyang si Adrian Semblat, top executive ng Levi’s Philippines.

Sa araw mismo ng kasal nina Isabelle at Adrien sa Italy ay siya ring araw na binawian ng buhay ang ko­med­yana na si Joy Viado matapos ang matagal nitong pakikipaglaban sa sakit na diabetes. She was 57.

Noong September 11, nag-propose kay Divine Lee ang kanyang negosyanteng boyfriend na si Blake Go over a candlelight dinner sa Ayana Resort sa Bali, Indonesia.

Sa Lake Como, Italy nagpakasal si Cristalle Belo sa Australian hotelier na si Justin Pitt on September 15 at hindi naman nagpahuli ang dating Seiko sexy star na si Francine Prieto na ikinasal naman sa kanyang American  fiancé na si Frank Shotkoski sa Casa Maria Antonia sa Capri, Italy.

At noong September 30 ay isinilang ni Toni Gonzaga-Soriano ang first baby nila ng husband niyang si Paul Soriano, si Severiano Elliot.

October 11 nang sumakabilang-buhay ang cha­rac­ter actor na si Dick Israel matapos ang mahabang panahon nitong pakikipaglaban sa kanyang sakit. Three days after, October 14 ay namaalam naman ang tinaguriang “Piranha Queen,” ang singer-actress na si Dinah Dominguez na inatake sa puso. And noong October 15 sumunod sa kabilang buhay ang asawa ni Dick na si Marlyn Michaca kaya sabay na silang inilibing ng kanilang mga kaanak at mga kaibigan.

November 5 nang isilang ng dating Kapamilya star na si Kristine Hermosa ang kanilang bunsong anak ng mister niyang si Oyo Sotto, isang baby boy na kanilang pina­nga­la­nang Marvic Valen­tin Sotto II hango sa pangalan ng ama ni Oyo, ang TV host-comedian-producer na si Vic “Bossing” Sotto.

Noong November 12, ang veteran sports analyst and sports writer na si Ronnie Natanielz ay pumanaw at 81 due to cardiac arrest.

November 14 naman nang isilang sa Amerika ng misis ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez ang kanilang first baby na si Maria Isabella Padilla na hindi man lamang na-witness ni Robin dahil hindi siya binigyan ng US visa ng US Embassy sa Pilipinas sa kabila na siya’y binigyan na ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

vuukle comment

NICO BOLZICO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with