^

PSN Showbiz

BBC pinatulan si Sandro Marcos!, Vice hindi natiis sina Dominic at Ronnie!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen: Dumalo si Vice Ganda sa premiere night ng Seklusyon noong Huwebes bilang suporta niya sa kanyang anak-anakan na si Dominic Roque at sa #Hashtags member na si Ronnie Alonte na mainstay ng It’s Showtime.

Scene: Pinatulan ng BBC News ang mga batikos ng Marcos haters kay Sandro Marcos dahil sa tweet nito na pinupuri ang Star Wars movie na Rogue One. Si Sandro ang anak ni former Senator Bongbong Marcos na paboritong i-bash ng mga anti-Marcos.

Seen: Makaka-relate ang direktor na si Cathy Garcia Molina sa kuwento ng Ang Babae sa Septic Tank 2 #ForeverIsNotEnough lalo na sa mga eksena na pinagamit ng wig si Eugene Domingo. Fake ang mga wig na ipinagamit ni Cathy kay Sarah Geronimo sa mga blockbuster movie nito sa Star Cinema.

Scene: Hiwalay na si Jackie Rice sa kanyang boyfriend na walang kinalaman sa showbiz. Mahigit sa walong taon ang itinagal ng relasyon ni Jackie at ng kanyang ex-boyfriend.

Seen: Inabot ng madaling-araw ang Christmas party ng Encantadia stars and production staff noong Huwebes. Excited ang mga artista ng telefantasya ng GMA-7 sa nalalapit na paglabas ng Encantadia merchandize sa susunod na buwan.

Scene: Bibigyan pa rin ng parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Committee ang best float sa Parade of Stars na ginanap kahapon sa Maynila.

Seen: Magaganda at creative ang mga float na ginamit kahapon sa Parade of Stars. Simple pero agaw-pansin ang mga float ng Ang Babae sa Septic Tank 2, Vince & Kath & James, Kabisera, Sunday Beauty Queen, at Die Beautiful.

Scene: Ipagdiriwang ni Miss Universe Pia Wurtzbach ang Pasko sa piling ng kanyang mga kamag-anak sa London. Ito ang huling Pasko ni Pia bilang Miss Universe.

Seen : Ang epal label kay Metro Manila Film Festival Selection Committee member Mae Paner dahil sumali siya sa Parade of Stars kahapon at nakipagkumpitensya sa pagsusuot ng gown at korona  sa mga bida ng documentary movie na Sunday Beauty Queen. #Ilusyonada.

 

vuukle comment

SAVING SALLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with