^

PSN Showbiz

Singer na mayabang at walang utang na loob noong sikat, tinatanggap na kahit barya-baryang TF para may makain!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung walang kasiguruhan ang buhay ng mga artista ay wala ring katiyakan ang mundo ng musika. Mahirap kapain ang gusto ng publiko, pabagu-bago ang tema, kaya maigsi lang ang buhay ng popularidad ng mga musikero.

Merong mabentang-mabenta ngayon, pero pagkalipas lang nang ilang buwan ay wala na, pahinga na naman ang kanyang boses at kung walang naitabi nu’ng malakas pa ang kanyang kita ay nganga ang singer.

May isang male performer na sobrang nganga ngayon. Kung bakit naman kasi nu’ng kasagsagan ng kanyang popularidad ay hindi siya natutong mag-impok. Waldas siya sa pera, hinaluan pa niya ‘yun ng bisyo, lahat ng naipundar niya ay nabalewala ring lahat dahil nahila lang sa kanya.

Kuwento ng isang source, “May nakuha na siyang condo unit, ilang taon na siyang nakatira du’n, okey naman siyang magbayad ng amortization nu’ng mga unang taon, pero nasira na siya nu’ng bandang huli.

“Sayang, nawala sa kanya ‘yun dahil hindi siya nakapagbabayad. Kung anu-ano na nga lang ang ibinabayad niya lately para lang huwag siyang paalisin.

“Nand’yang magprenda siya ng gitara niya, pati mga personal niyang gadgets, nasa management na rin ng condominium. Hanggang sa kailangan na talaga niyang umalis dahil hindi na siya nakapagbabayad,” kuwento ng isang kasamahan ng male performer.

Ngayon ay lapit siya nang lapit sa kanyang mga kaibigan, humihingi siya ng booking, pinapatulan niya ang kahit pabarya-baryang talent fee lang.

Balik-kuwento ng impormante, “Marunong na siyang magpakumbaba ngayon, samantalang nu’ng usung-uso siya, e, ni hindi nga niya mapuntahan ang mga kasamahan niyang singers!

“Masyado siyang mapagmataas, ayaw niyang tanggapin ang mga booking, mababa lang daw kasi ang bayad. Ngayon, kahit baryang-barya na lang, e, tinatanggap na rin niya kesa sa wala siyang kainin.

“Walang-wala na siya, hindi na siya puwedeng tanungin ng meron ba tayo d’yan? Mayabang kasi, wala pang utang na loob sa mga nakatulong sa kanya, kaya ‘yan ang napala niya!” napapailing na kuwento ng aming source.

Ubos!

Ex-husband ni Carmina, tuluyan nang ibinaon sa lupa!

Tuluyan nang inilibing ni BB Gandanghari si Rustom Padilla. Namaalam na siya sa kanyang dating pagkatao, alaala na lang ngayon ang dating asawa ni Carmina Villaroel, babaeng-babae na siya at pati ang kanyang kasarian ay nakadokumento na ngayon sa Amerika.

Meron siyang karelasyon, maligaya siya ngayon, ayon kay BB Gandanghari ay kumpleto na ang kanyang buhay dahil ibinigay na ng Amerika ang matagal na niyang hiling.

Wala nang magagawa ang kanyang pamilya sa pinili niyang buhay, kung saan siya maligaya ay ‘yun na rin ang posisyon ng kanyang ina at mga kapatid, pero hanggang du’n na lang ‘yun.

Kahit si Robin Padilla na tutol na tutol nu’n sa kanyang rebelasyon ay napapabuntong-hininga na lang, tanggap na nito ang pangyayari pero huwag na lang daw sanang ipakilala pa sa kanya ang lalaking pinanggagalingan ng inspirasyon ngayon ng kanyang kapatid, sapat na ang pang-unawang ibinibigay sa kanya ng action star.

Mula sa isang bruskong aktor ng mga pelikulang ginawa nila ni Robin ay heto na ngayon si Rustom Padilla, babaeng-babae na, wala na halos ang anino ng pagi­ging Rustom niya. Nasilip pa namin ang pelikulang Mistah nu’ng minsan, hanggang ngayo’y hindi kami makapaniwala na babae pala ang puso ng aktor na nakikipagbakbakan at barilan sa pelikula, ang buhay nga naman.

Kung saan tayo maligaya ay du’n tayo. Kung ano ang kukumpleto sa ating buhay ay tatalikuran natin ang nakaraan.

Halos sabay pala ang paglilibing kina Rustom Padilla at dating Pangulong Ferdinand Marcos.

vuukle comment

CARMINA VILLAROEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with