^

PSN Showbiz

Matteo ayaw talagang makatrabaho si Sarah!

POINT GUARD - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa November 18 ay gaganapin sa Waterfront Cebu Hotel & Casino ang concert ni Matteo Guidicelli na may titulong Matteo Made In Cebu. Ito ang magsisilbing selebrasyon para sa ika-sampung taon ng aktor sa show business.

Hanggang ngayon ay hindi pa raw alam ni Matteo kung makapupunta o magiging special guest niya sa nasabing show ang kasintahan na si Sarah Geronimo. “I don’t know yet. What matters is that she’s one of the few that inspires me to do the show, to do my work. She’s an inspiration. That’s more than enough for me,” bungad ni Matteo.

Mahigit tatlong taon na ang relasyon ng magkasintahan pero hindi pa nagkasama kailanman sa isang proyekto. Hanggang maaari ay ayaw raw ni Matteo na makasama ang Popstar Princess sa mga proyekto na kanyang ginagawa. “People have been asking. People have been offering but I don’t think so. We are not a love team. We are not a couple because of the industry. We are a couple because of real life, because two people love each other and we want to be together. We’d like to keep that separately,” paliwanag ng aktor.

Ayon pa kay Matteo ay may ilang taong tutol pa rin sa kanilang relasyon ni Sarah lalo na sa social media. “Meron naman talaga diyan. To the people na mga nega, wala na tayong magagawa diyan. Our relationship is not a game. Our relationship is not showbiz, it’s not a love team. It’s something real,” giit ng binata.

Yen nahirapan sa kapogian ni Piolo

Malapit nang mapanood sa mga sinehan ang pelikulang Once In A Lifetime na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Yen Santos. Sa New Zealand pa kinunan ang karamihan sa eksena ng pelikula.

Para kay Yen ay sobrang nahirapan daw siya na makatrabaho si Piolo. “Sobrang memorable po ng experience kasi first movie ko po ito. Sa New Zealand pa, at si Papa P pa ang kasama ko. Hindi po naging madali sa akin. No’ng una kasi natutulala po ako palagi kay Papa P, sobrang gwapo n’ya po. Sobrang surreal lahat,” nakangiting pagbabahagi ni Yen.

Samantala, masayang-masaya rin ang aktres dahil napabilang siya sa teleseryeng Magpahanggang Wakas na pinagbibidahan nina Jericho Rosales at Arci Muñoz. “Hindi ko po in-expect na papasok ako sa show. Biglaan lang po talaga. No’ng sinabi sa akin na-excite po ako sobra. Kasi gusto ko po talagang makatrabaho si Echo. It’s very challenging po kasi talagang mahuhusay na aktor, aktres ang mga kasama ko. Nagkaroon po ako ng chance na makatrabaho sila,” pagtatapos ng aktres.

 

vuukle comment

MATTEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with