^

PSN Showbiz

Andrea takes her chances

Sanden Jacaban Anadia - Banat

CEBU, Philippines - Dili lang kutob sa pagpa-cute, ug kinahanglan nga i-level up ang pagdawat og mga role sa nagkadaiyang proyekto.

Mao kini ang baruganan sa Kapuso star nga si Andrea Torres hinungdan nga nagpabilin gihapon ang iyang career hangtod karong panahona.

Matud pa niya nga nagsugod siya sa pagpa-cute nga mga role sa una, apan karon, gidawat na niya ang pagpa-sexy atubangan sa kamera ug usa mga ebidensya niini mao ang serye nila ni Dingdong Dantes nga “Alyas Robin Hood.”

Kahinumduman nga nitikang si Andrea dinhi sa Sugbo sa miaging semana alang sa mall show nila ni Dingdong.

Sa pakighinabi ni  Andrea  ngadto  sa pipila ka mga sakop sa Cebu Entertainment Group, (Egroup), nipadadayag kini nga wala niya damha ang naabtan sa iyang career karon.

Q and A

E-Group: Ano ang masasabi mo sa negatibong reaksyon ng ibang tao tungkol sa sexy outfits  mo sa Alyas Robin Hood?

Andrea:    Sa unang scene sa Alyas Robin Hood, sexy agad yung sinusuot ko.  Sa akin lang, ginawa ko lang yung trabaho ko. Seguro sinuot ko yun dahil kailangan sa karakter ko. Meron akong narining na mga komento, binaliwala ko na lang. Kung panonoorin nila ang show, maintindihan nila kung bakit kailangan ako magpa-sexy. Kahit may mga comment na ganyan, marami namang nakaka-appreciate sa akin.

E-Group: Kumusta si Dingdong katrabaho?

Andrea:  Very generous sa kanyang kasamahan sa trabaho. Sobrang komportable ako sa kanya, dahil gagawin talaga niya ang lahat para hindi ka ma-intimidate sa kanya.    Malaki na ang pangalan niya, pero sinisigurado niya na dapat hindi ka mahiya kung lalapit ka sa kanya. Nakipag-usap siya sa mga crew, sobrang bait ang taong yan.

E-Group: Sino ang peg mo sa Alyas Robin Hood?

Andrea:  Si Angelina Jolie, wala lang, gusto ko talaga siya. Nakaaliw siya, hindi siya OA  sa pag–arte.

E-Group:   Para sayo, ano ang pinakahirap na eksena mo dito?

Andrea:  Yung   naka-two piece, dahil hindi talaga maiiwasan na isipin mo talaga ang reaksyon ng mga tawo.  First time ko mag-two piece sa harap ng camera.

E-Group:  Paano mo mina-manage ang pagpa-sexy ng katawan mo?

Andrea:   Pumupunta sa gym, kahit three times a week. Hindi naman ako masyadong strict sa mga kinakain ko.  Kung may times na sobrang busy, kahit 3 am, pumupunta   ako sa gym. Minsan sa bahay lang ako mag-workout. Kailangan naman talaga ang disiplina.  Noong nalaman ko na kasali ako sa Alyas Robin Hood, mas lalo akong na-inspired na huwag itigil ang pagwo-workout.   Nabigla nga ang iba sa  bagong hitsura ko. .

E-Group:  Ano ang realization  na nakuha mo sa pagkasali mo sa show na ito?

Andrea:   Dapat marunong ka mag-explore, dapat open ka sa ibang bagay.    Ginagawa ko lang naman ito para sa career ko. Sexy ang image ko dito, pero hindi naman malaswa ang pagpresenta. Kung open sa ibang role, mas ma-cha-challenge ka sa paggawa ng mabigat na mga eksena. Makakatulong ito sa pag-develop sa talent mo.

E-Group: Anong reaksyon ng dad mo noong nalaman na magpa-sexy ka?

Andrea: Pinaalam ko naman sa kanya, pero tinanggap ko na ang proyekto noong sinabi ko ang tungkol dito.  May sinasabi siya, kung bagay ba ako sa tinanggap ko na project. Ini-explain ko naman sa kanya kung bakit ko tinanggap  ang proyektong ito. Naintindihan niya, kasi alang-alang naman ito sa career ko.  Alam ko naman ang ginagawa ko, siniseguro ko naman na hindi ako mapapahamak sa mga ginagawa ko. Malaki naman kasi ang tiwala ko sa mga taong nasa likod ng show na ito. Nag-enjoy naman ako sa ginagawa ko, nakakataba nga ng puso kung may marinig ako na nag-appreciate sa ginawa ko.

E-Group: Sino pa ang target mong makatrabaho?

Andrea: Sila Dennis Trillo  at Tom Rodriguez.  Sobrang galing nila kung panoorin mo sila, para kang madadala sa mga eksena. Basta komportable ka sa tao, gusto mo talaga sila makasama sa trabaho. Gusto ko rin naman na may matutonan. Kung makasama  ko sila, meron akong ma-discover  na makapag-improve sa akin.

E-Group: What is your dream role?

Andrea:  Gusto kong  masubukan ang maging superhero. Kadalasan sa mga artista, pinapangarap masubukan ang ganyang role.  Nakaaliw naman kasi  yung mga stunt, masubukan talaga yung abilidad mo sa aksyon. Sana soon, magkaroon ako ng  ganyang klaseng proyekto.

E-Group: Sino si Andrea sa likod ng kamera?

Andrea:  Simpleng tao lang, hindi ako  gumigimik lalo na sa gabi.  Palagi ako nasa bahay. Kung lumalabas ako, hindi ako masyadong mag-make up, simple lang talaga.  Mag-eenjoy naman ako kung nasa bahay lang, makaka-bonding  ko kasi yung relatives ko.  Isang compound kasi yung tinitirhan ko, so yung mga kapitbahay namin ay relatives ko lang.

E-Group: Pinangarap mo bang maging beauty queen?”

Andrea: Parang hindi  bagay sa akin, wala talaga yan sa isip ko. Basta, wala talaga. Hindi ako ganyan ka-confident sa bagay na yan. Nahihiya kasi ako.

vuukle comment

ANDREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with