^

PSN Showbiz

Kahit dalawang taon lang sa Amerika guwapong hunk actor nakalimutan nang mag-Tagalog!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa isang malaking umpukan ng mga production people ng magkakaibang network ay pinagpistahan ang isang pamoso at guwapong aktor. Ang dila niyang nagpapakabanyaga ang naging tutok ng paksa ng grupo.

Nasubaybayan kasi nila ang pagsisimula sa pag-aartista ng hunk actor, bagets pa siya nu’n, halos hindi siya natututukan ng mga ilaw sa entablado dahil wala pa siyang kadating-dating.

Hanggang sa isang araw ay nangibang-bansa na siya, dalawang taon lang naman siyang nawala, pero nang magbalik siya sa ‘Pinas ay parang Amerikano na ang kanyang asta.

Kuwento ng isang beki sa umpukan, “Kundi ko siya nasubaybayan, e, baka maniwala pa ako na talagang English speaking na siya kahit nu’ng nag-uumpisa pa lang siya. Kaso, nakita ko ang pag-uumpisa niya, e!

“Hindi naman siya ganyan, ni hindi nga siya marunong mag-English, wala lang! Two years lang siya sa Amerika, pagbalik niya, spokening bow-wow-wow na siya? OA naman siya!” pagpansin ng beki.

Sa kanyang mga interview, kahit puwede naman siyang mag-Tagalog, ay talagang diretsong Ingles kung magsalita ang guwapong hunk actor. Naloloka sa kanya ang mga reporters na nakakita rin sa kanyang pagsisimula.

Sabi naman ng ikalawang beki, “Talagang OA siya, sa totoo lang! Pa-Ingles-Ingles pa siya, e, dalawang taon lang naman siyang nag-stay sa Amerika! Ano ito, lokohan?

“Kausapin mo siya sa native tongue, English ang isasagot niya. Ulit-ulitin mo siyang tanungin, talagang spokening dollars pa rin siya! Ano ‘yun, kinakalimutan na niyang Pinoy siya?

“Magtigil siya, ‘no! Baka hindi niya naiisip na sa Pilipinas siya nagtatrabaho, dito siya kumikita, kaya tantanan na niya ang pagpapanggap na foreigner siya!

“Two years lang siyang nanirahan sa Amerika, nakalimutan na niya ang lengguwahe natin, ‘di ba naman talagang nagpapasosi lang siya? Mapagpanggap!” inis na komento pa ng beki tungkol sa Ingliserong hunk actor.

Ubos!

Kaya ayaw paniwalaang may relasyon Xian mas maselan pa kay Kim

Masamang-masama ang loob ng kampo ni Xian Lim kay Kim Chiu. Tinabla raw kasi ng dalaga si Xian, bigla raw tinalikuran ng young actress ang lalaking sumalo sa kanya nu’ng sobra-sobra ang sama ng loob niya kay Gerald Anderson, wala raw pagpapahalaga si Kim.

May plano ang ABS-CBN na muling pagsamahin sa isang serye ang tambalang Kimerald. Pero mukhang may makahaharang pa rin sa muling pagpapainit sa dating magka-loveteam dahil lantaran na ang relasyon ngayon nina Gerald at Bea Alonzo.

Dahil du’n ay binigyan ng ibang interpretasyon ng kampo ni Xian Lim ang pagtanggap ni Kim Chiu sa serye. Para lang daw muling mabuhay ang career ni Kim ay basta na lang niya iniwan si Xian.

Sa totoo lang, kahit naman madiing ibinebenta ang relasyong Xian-Kim ay parang wala namang naniniwala, sila ang magkarelasyon na palaging naba-blind item na naglalambingan kapag maraming tao pero kapag sila na lang ang magkasama ay hindi naman sila nagpapansinan.

Gasgas na gasgas na ang promo at press release na magkarelasyon sila, pero pinagtataasan lang naman ‘yun ng kilay, walang naniniwalang panglikod ng mga camera ang kanilang pagmamahalan.

Nasaan ba kasi ang problema? Naniniwala pa rin kaya ang mas nakararami na hindi si Xian at si Gerald pa rin ang mahal ni Kim? Parang panakip-butas nga lang kaya ng dalaga ang hunk actor?

Sutil ang isang nagkomento, ang sabi nito, “Wala namang naniniwala na sila talaga! Kahit ipagduldulan pa nila ang relasyon nila sa publiko, waley pa rin!

“E, mas vain pa si Xian kesa kay Kim! Noseline lang ang pinoproblema ng girl, pero si Xian, kumpleto sa seremonyas! Naglalagay ba si Kim ng merthiolate sa nipples niya para magkulay pink?” nakataas ang kilay na sabi ng aming source.

Ubos na ubos!

vuukle comment

AMERICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with