^

PSN Showbiz

Mariel tiyak mapapaanak kung nanood Vina at Robin todo lambingan sa concert!

PERSPECTIVE - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Good vibes na good vibes na umuwi ang mga tao last Friday night pagkatapos manood ng birthday/30th anniversary concert ni Vina Morales na Vina@Thirty sa Kia Theatre. Ito’y kahit pa na-delay ng mahigit isang oras ang show dahil binaha ang dressing room nila. Ang dapat sanang 8:00 p.m. ay 9:30 na nag-umpisa dahil sa tubig na nanggaling sa comfort room ng KIA Theater, ang venue ng concert.

Anyway, nagsimula at nagtapos na energetic ang production numbers ni Vina kasama ang G-force dancers kaya naman aliw talagang panoorin. Birit kung birit pa rin talaga siya at ang sexy niya ngayon na umaming nagpapayat talaga para sa concert.

Ang unang guest niya ay si Ogie Alcasid na nagpakilig sa isa sa all-time favorite songs naming Ikaw Lamang. Sumunod na nagpakitang gilas si Mr. Pure Energy Gary Valenciano na hindi pa rin matatawaran ang dance moves sa kantang Eto Na Naman. Kaaliw naman ang song number ni Vina kasama ang kapatid na si Shaina Magdayao at ang cute na cute niyang daughter na si Ceana. In fairness sa bagets, may boses ito kahit medyo nahihiya-hiya pa. Pasabog din ang pagkanta ni Da­niel Padilla na inaanak pala ni Vina. Ang dami talagang naghiyawang fans ni Daniel nang kantahin niya ang Miss Na Miss Kita.

Ang final guest naman niya sa concert ay ang dating nobyo na si Robin Padilla. May kilig factor pa rin pala ang dalawa lalo na sa pa-epek nilang isang tawag lang ni Vina kay Robin ay lagi itong darating para sa kanya. Sa earlier part kasi ng show ay may isang lalaki at parang lasing na sumisigaw from the audience. Naka-ilang beses din siyang nangu­lit at nagwala at nu’ng huli nga ay parang nagka-tension pa. Akala ng audience ay totohanan na ito dahil pinalibutan pa sila ng camera, ‘yun pala eh part ng show at intro ng pagsulpot ni Binoe. Kinantahan si Vina ni Robin ng Pers Lab.

Naku, kung nandito sa Pilipinas si Mariel Rodriguez-Padilla ay siguradong napaanak ‘yun sa audience dahil may pahalik-halik pa si Robin, pero sa kamay lang naman ni Vina, huh!

vuukle comment

MARIEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with