^

PSN Showbiz

Anak ng sikat na aktor at aktres, may anghit!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nag-trending ang pilot episode ng bagong sitcom ng GMA 7 na A1 Ko Sa ‘Yo na nagsimula nung nakaraang Huwebes na may hashtag na #A1KoSayo. Nagtala pa ng mataas na rating sa pilot episode nito.

Pinuri ang script at pawang magagandang comments ang nai-post sa social media, kaya nagpapasalamat na rin ang mga artistang involved kagaya nina Soleen Heussaff, Sef Cadayona, at Denise Barbacena.

Malaking bagay daw talaga ang pagkapanalo ni Jaclyn Jose sa Cannes International Film Festival dahil ang daming na-curious sa kanya kung pang-Cannes din ba ang pagpapatawa ng magaling na aktres.

PAK: Natulala kami sa komento ng isang kaibigan na kilalang-kilala ang anak ng sikat na aktor at kilala ring aktres.

Nadulas lang yata ang kaibigan namin na sinabi niyang ang guwapo raw sana nitong anak ng sikat na aktor at aktres, pero may anghit.

Naloka raw siya talaga minsan nang nakasama niya sa isang event itong guwapong binata ng sikat na aktor at aktres. Sobrang init kasi kaya pawisan silang lahat. Nang nakatabi raw niya itong si guwapong binata, nalanghap daw niya ang kakaibang amoy ng guwapong anak ng sikat na aktor at aktres.

Parang ayaw namin maniwala dahil ang guwapo talaga at hindi siya mukhang may anghit. Kaloka!

BOOM: Nakausap namin si Arnell Ignacio na nasa Davao kahapon at gulat na gulat daw siya kung paano siya istimahin ng pamilya ng incoming President Rodrigo Duterte.

Minsan lang daw sila nagkausap ng incoming president pero naloloka raw siya kung bakit parang kilalang-kilala na siya at close na raw sa kanya ang mga kamag-anak ni Digong. Panay daw ang pasasalamat sa kanya.

Kaya kahit siya pa raw ang nagbayad ng plane ticket niya papuntang Davao, at wala namang talent fee ang performance niya sa Thanksgiving party kahapon, okay lang daw sa kanya para may participation naman daw siya sa victory party para sa bagong pangulo ng bansa.

Ang daming artista na ngang nagdatingan sa Davao para mag-perform sa kanilang Thanksgi­ving party. Wala raw TF sila roon at kusa raw iyun ng mga celebrities na pumunta roon para mag-perform. “Every­body loves a winner” ang sabi nga nila.

 

vuukle comment

DROGA

PASAY CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with