^

PSN Showbiz

Jake at Arci ‘nagkalat’ sa entablado sa Amerika

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Indirectly, nabibigyan ni Angel Locsin ng encouragement ang haters ni Luis Manzano para i-bash ito dahil sa mga reaksyon niya tungkol sa mga intriguing comment ng kanyang followers. Nagiging isyu at nagreresulta sa intriga ang mga sagot ni Angel sa mga opinyon ng fans na hindi niya personal na kilala.

SCENE: Sintunadung-sintunado ang mga boses nina Jake Cuenca at Arci Muñoz sa duet nila ng Crazy For You sa kanilang show sa Amerika.

SEEN: Mananatili sa alaala ng mga Pilipino ang Greatest Boxer of All Time na si Muhammad Ali na bumisita sa Pilipinas noong 1975. Ipinangalan sa namatay na boksingero ang Ali Mall sa Araneta Center, Cubao, Quezon City. Ang Ali Mall ang kauna-unahang mall sa Pilipinas na nagbukas noong 1976.

SCENE: Sumakabilang-buhay noong Biyernes, June 3, si Muhammad Ali sa edad na 74 dahil sa respiratory illness na kumplikasyon ng kanyang Parkinson’s disease.

SEEN: Ang opisyal na pahayag ni Senator Manny Pacquiao tungkol sa pagpanaw ni Muhammad Ali: We lost a giant today. Boxing benefitted from Muhammad Ali’s talents but not nearly as much as mankind benefitted from his humanity. Our hearts and prayers go out to the Ali family. May God bless them.

SCENE: Suwabe at hindi trying hard ang pagpapatawa ni Kiray Celis sa trailer ng I Love You To Death, ang horror comedy movie na mapapanood sa mga sinehan sa July 6.

SEEN: Babalik sa Italy ang cast ng Dolce Amore para sa taping ng mga mahahalagang eksena ng primetime teleserye ng ABS-CBN.

 

vuukle comment

MANDAUE CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with