^

PSN Showbiz

‘Di tulad ng anak ni Piolo anak ni Jericho mas trip ang sports

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Fifteen years old na ang anak ni Jericho Rosales na si Santino sa commercial model na si Kai Palomares. Gwapo at 6-footer si Santino kaya marami ang nagsasabing maaari ring pasukin ng binatilyo ang pag-aartista. “Ayaw niya talaga. He’s not built for that. Ang gusto niya talaga ay sports. He plays with two teams now and he never showed interest na maging actor but commercials, okay lang sa kanya. Sabi niya ‘yung sa Nike, Adidas, Gatorade or sports drink. Anything na sports-related, ‘yon ang trip niya talaga,” pagbabahagi ni Jericho.

Kung ang aktor ang masusunod ay ayaw daw niyang maging artista ang anak. “Kung ako talaga ang tatanungin, parang ayaw ko rin. Mahirap eh, but I’m here to guide him if ever he decides. I will be just here to support,” giit ni Jericho.

Naipagkukumpara si Santino sa anak ni Piolo Pascual na si Iñigo na nagtuloy-tuloy na rin sa pagiging artista. “‘Di niya (Piolo) mapipigilan si Iñigo kasi gusto niya talaga. Bata pa lang, driven na ‘yon, gusto niya talagang mag-focus katulad ng ginagawa ng tatay niya,” pahayag ni Jericho.

Samantala, nagpapasalamat ang aktor na sinusuportahan pa rin ng mga tagahanga ang mga proyektong kanyang ginagawa. “Siguro kasi I go with the flow and I believe in seasons. Alam ko kung nasaang stage na ako ng buhay ko eh. I understand kung nasaan ako. Gusto ko kasi laging nag-i-evolve. I forced myself to evolve kahit no’ng nag-aaral pa lang akong umarte. Kailangan mo ring ingatan ‘yung katawan mo, ‘yung skills mo na ibinigay sa ‘yo. Keep on practicing, keep on enhancing the talent,” paliwanag niya.

‘Di na gaanong interesado sa Darna Angel hungry sa mga magagandang trabaho

May bulung-bulungan na posibleng si Angel Locsin pa rin daw ang gaganap bilang si Darna sa pelikulang gagawin ng Star Cinema. Kamakailan ay napabalitang hindi na magagawa ng aktres ang proyekto dahil sa kanyang health condition kaya kinakailangan siyang palitan dito.

Nakapagpaopera na si Angel sa Singapore bago magtapos ang 2015 dahil sa pagkakaroon ng disc bulge. Umaasa ang aktres na magiging maayos na ang kanyang kalagayan pagkatapos ng isa pang operasyon na gagawin pa lamang. “Ang priority ko po kasi talaga ay magpagaling. May konting usap-usap pero ang kailangan lang po talagang mangyari ay maging successful po ‘yung operation at walang mangyayaring masama after that. Iyon lang po ang iniisip ko,” nakangiting pahayag ni Angel.

Nagpapasalamat ang aktres sa mga tagahangang siya pa rin ang gustong magbida sa Darna at sa patuloy na sumusuporta sa kanyang mga ginagawang proyekto. “Kung mayroon, mayroon. Kung wala, wala. Basta ako I’m happy, nasa point na ako ng buhay ko na kumportable na tayo mamuhay, kumportable na rin ang pamilya ko. Iyon ang mahalaga sa akin. I’m just hungry na gumawa ng magagandang projects,” pagtatapos ni Angel.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGEL LOCSIN

ATILDE

DARNA

DARNA ANGEL

IYON

JERICHO ROSALES

KAI PALOMARES

NIYA

SANTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with