^

PSN Showbiz

Dyowa married na ang FB status, Solenn nagsisinungaling?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Noon pa man ay hindi nakiki­alam si Nico Bolzico sa showbiz career ng kasintahang si Solenn Heussaff kaya hindi naman issue sa kanila ang pagtanggap ng Kapuso actress sa pelikulang Love is Blind kung saan si Derek Ramsay ang kanyang ka-partner. Pero nagpaalam pa rin si Solenn kay Nico bilang respeto sa kanyang kasintahan.

Hindi naman kasi showbiz si Nico pero paano kaya ang nakasaad sa Facebook account nito na married to Solenn Heussaff? Itinatanggi kasi ng aktres ang isyung kasalan sa Argentina, na conflict sa FB profile ni Nico.

PAK: Bago pa lang si Danica Sotto-Pingris sa Twitter, at doon niya sina­got ang kanyang amang si Vic Sotto nang magpasalamat sa Eat Bulaga na tinanggap ang desis­yong pakasalan si Pauleen Luna.

Nung araw ding iyon sa PreWedding episode ng Eat Bu­la­ga ay nag-tweet si Da­nica ng mensahe pa raw sa kanyang ama.

Aniya; “We love you dad! Kung saan ka masaya dun kami…mahal na mahal ka namin.”

Sa pagkakaalam namin, sa lahat na mga anak ni Bossing si Danica ang pinaka-close kay Pauleen.

BOOM: Ang huling text sa amin ni AiAi delas Alas, ngayong araw na niya ilalabas ng facility si Jiro Manio.

Nangako raw ang dating child actor na talagang magbabago na siya at hindi na babalik sa dating bisyo.

Ito naman ang isa sa paulit-ulit na ipinagdarasal ni AiAi, para hindi naman nasayang ang hirap niya sa pag-aalaga sa anak-anakan.

Nagpapasalamat din siya dahil sa suportang ibi­nigay ng mga anak niya at ang current boyfriend na si Gerald Sibayan.

Nu’ng kamakalawa lang ay ipinost ni AiAi sa kanyang Instagram account na nagpapasalamat sa mga damit at shoes na ibibigay nila kay Jiro.

Bahagi ng post nito; “Salamat din sa suporta ‘nyo sa akin sa pagbibigay ng pag-asa para sa kanya to have a life again. GOD BLESS YOU BOTH,”

Sabi naman ni Sancho, naging close naman daw sa kanila si Jiro magmula nang nakatrabaho ito ng Mommy niya sa Tanging Ina.

Kaya suportado nila ang pagtulong ng kanyang ina sa dating child actor.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

DANICA SOTTO-PINGRIS

DEREK RAMSAY

LEFT

NBSP

NICO

QUOT

SOLENN HEUSSAFF

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with