^

PSN Showbiz

Boyfriend pa ang sumusuko sa taas ng libido, kilalang young actress parang walang kapaguran pagdating sa tsugian!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Naikuwento sa amin ni Polo Ravales na malaki ang pasasalamat niya at napasama siya sa Ang Probinsyano.

Doon daw niya nakilala si Coco Martin kung gaano ito ka-humble. Ipinaalala pa raw sa kanya ni Coco na naging sidekick siya dati ni Polo sa isang soap na ginawa niya sa GMA 7.

“Bilib talaga ako sa kanya, kasi hindi siya nagbago. Kaya sabi ko sa kanya, ‘yung success niya nga­­yon talagang deserved niya ‘yan,” tsika sa amin ni Polo na nagkaroon ng magandang role sa teleser­yeng ito ng ABS-CBN 2.

PAK: Nakakaloka ang pinsan ng kilalang young actress. Siya kasi mismo ang nagkukuwento sa mga grupo kung gaano ka-hot ang young actress.

Nakakarating daw kasi sa kanya ang kuwento ng ilang naging boyfriend ng young actress na iba ito kapag nag-iinit na ang katawan.           

Napapansin kasi ng ilang ka­pitbahay ng boyfriend ng young actress na kapag duma­rating ito, kaagad isinasara ng la­la­ki ang mga blinds sa bahay. Siyempre may na­ga­­­­ganap sa loob ng bahay. Nagugulat lang daw ang boy­friend kung gaano kainit ang young actress. Ilang oras ma­tapos ang ka­­­nilang pagni­niig, heto at nag­yayaya na naman si girl. Napapagod na rin ang boyfriend minsan. Pero irresistible naman kasi ang young actress kaya nag-i-enjoy na naman daw ang boyfriend nito.

BOOM: Nagulat si Meg Imperial sa isyung idinadawit siya sa hiwalayang Jojo Oconer at Ciara Sotto.

Kasama si Meg sa bagong drama series ng TV5 at Viva Entertainment na Bakit Manipis ang Ulap? na magsisimula na sa primetime nila sa February 15.

Ayon sa sexy star, hindi raw niya kilala si Jojo o nakatrabaho man lang. Kaya imposible raw na ma-involve siya sa asawa ni Ciara.

“Baka kamukha ko or something. I know Ate Ciara, pero siya, I don’t know him,” pakli ni Meg. Kahit man magkakilala raw sila ni Jojo, tinitiyak naman niyang hindi siya papatol dahil sa may asawa ito.

“I know naman my stand po as a person. Hindi ko naman po ii-involve ang sarili ko to someone whose committed,” pahayag nito.

Si Valeen Montenegro pa rin ang malakas na pinag-uusapan, at nu’ng nag-guest nga ito sa Bubble Gang ay medyo ilag ang ilang nandun sa taping dahil mukhang malungkot daw ang actress/TV host at umiiwas itong matanong tungkol sa isyung iyon.

vuukle comment

ACIRC

ACTRESS

ANG

ANG PROBINSYANO

ATE CIARA

BAKIT MANIPIS

BUBBLE GANG

NBSP

SHY

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with