^

PSN Showbiz

Daig pa ang MMFF na walang alam pelikula ni Jennylyn at Echo naka-100-M na

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pinost ni Jennylyn Mercado sa Instagram (IG) ang box-office gross ng #WalangForever nila ni Jericho Rosales. Nakalagay ang “Congratulations!!! #WalangForever has reached P100M.”

As of January 8 ang box-office result na pinost ni Jennylyn kaya siguradong nadagdagan na ‘yun as of today. May nag-react nga na mabuti pa si Jennylyn, alam kung magkano na ang kinita ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nila ni Jericho, samantalang ang MMFF mismo ay dedma pa rin hanggang nga­yon sa panawagan ng moviegoers na ilabas na ang official result.

Pasok ang mga taga-kabila TV host/actor ‘di kinuha para sa nilulutong show ng sariling network!

Nakinig kami sa tsikahan ng isang TV host/actor (TVA) at kaibigang nitong reporter at tinanong sa kanya nito kung may bago siyang show. “Wala pa” ang mabilis na sagot ni TVA sa reporter.

Nag-react ang mga nakarinig dahil ang alam nila, may bagong show na kinu-conceptua­lize ang network kung saan nakakontrata si TVA. Malinaw ang narinig ng mga reporter, hindi kasama sa bagong show ng kanyang network si TVA and obviously, hindi pa nito alam ang tungkol sa show at kung sino ang kinu-consider ng network na maging host ng show.

Magtampo kaya si TVA ‘pag nalamang hindi siya kasama sa bagong show ng kanyang network and to think na siya ang contract star? Ang isinama sa line up ng hosts ay taga-ibang network.

Carla walang balak pumatol sa may-asawa

May mga nag-react sa nasulat namin na biro ni Gabby Concepcion na puwedeng maging sila ni Carla Abellana kung nagkataong pareho silang libre. Hindi yata nabasa ng mga nag-react na nagbibiro lang si Gabby na nasa joke mode habang kausap namin sa taping ng Because Of You.

Well, matutuwa ang TomCar fans nina Carla at Tom Rodriguez na kinabahan sa sinabi ni Gabby dahil baka totohanin nito ang panliligaw kay Carla. Wala silang dapat ikatakot na baka ma-fall ang aktres sa actor dahil ayon kay Carla kahit mahal na mahal niya ang guy, hindi siya papatol sa may-asawa.

Kaya guys, kalma lang, kay Tom pa rin si Carla kahit nagpaalam na si Gabby sa ama nitong si Rey Abellana na liligawan niya ang aktres at kung puwedeng magkaroon sila ng kissing scene sa Because Of You.

Kung kailan naging misis, Solenn ‘di alam ang salitang day off

Pagkatapos ng presscon ng #Lakbay2Love na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Solenn Heussaff, may special screening ang pelikula sa Ro­binsons Galleria.

First “bike movie” ang tawag sa #Lakbay2Love dahil bisikleta ang ginamit na mode of transportation ng cast kung saan kabilang si Kit Thompson. Sa direction ito ni Ellen Ongkeko-Marfil.

In fairness, kahit nag-asawa na, busy at active pa rin si Solenn sa showbiz. Susunod sa Feb. 10 ang showing ng Love is Blind at may ilu-launch siyang SOS perfumes.

May pre-Valentine’s Day concert din sila ni Lovi Poe sa Music Museum sa February 6 billed Fantaisie.

Tuloy din ang pagpi-paint ni Solenn kaya parang hindi uso sa kanya ang day off, ‘no?

vuukle comment

ACIRC

ANG

AS OF JANUARY

BECAUSE OF YOU

CARLA

CARLA ABELLANA

DENNIS TRILLO

KUNG

NBSP

SOLENN

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with