^

PSN Showbiz

Movie nina Maricel at Herbert isasabong pagkatapos ng MMFF!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May pasabog ang Viva Films sa Bagong Taon. Ito ay ang Lumayo Ka Nga Sa Akin na sa trailer pa lang ay isang laugh-out-loud movie nga.

Base ito sa best-selling novel ng legendary na si Bob Ong.

Binubuo ang pelikula ng tatlong episode – first episode ang Bala sa Bala, Kamao sa Kamao, Satsat sa Satsat directed by Mark Meily. Second episode ang Shake, Shaker, Shakest directed by Andoy Ranay and third episode ang Asawa ni Marie directed by Chris Martinez.

Ang unang episode ay pinagbibidahan nina Benjie Paras and Candy Pa­ngilinan na tungkol sa isang lalaking massacre survivor. Nangyari ang pagmasaker pagkatapos ng kanyang church wedding. Along the way, na-in love siya sa sikat na aktres na may koneksiyon pala sa nangyaring massacre. At doon mag-uumpisa ang gulo.

Second episode ay ang pinagbibidahan nina Maricel Soriano and Mayor Herbert Bautista.

May pagka-horror ang episode nila. Ang kuwento, na-stranded sila sa haunted mansion at doon mag-uumpisa ang mga katatakutan na mangyayari sa kanila na may halong katatawanan.

Si Cristine Reyes ang bida sa Asawa ni Marie na soap opera/comedy ang concept tungkol sa isang poor farm girl na in love ang dalawang may-ari.

Parody and satire ng mga pelikula sa bansa ang konsepto ng tatlong istorya ng pelikula na tiyak na magpapatawa sa mga manonood.

Sa panahon talaga ngayon, ang comedy at horror ang gustong panoorin ng marami dahil kung drama pa nga naman, masyado nang madrama ang mga nangyayari sa ating paligid.

Showing sa January 13 ang Lumayo Ka Nga Sa Akin at ito ang unang local movie na ipalalabas pagkatapos ng makontrobersiyang 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) na opisyal na magtatapos sa Miyerkules. Ang ibang mga pelikulang kumikita pa at pinipilahan, tuloy ang pagpapalabas pero ang iilan na ang nanonood ay tuluyan nang matatanggal. And as of January 1, wala pang P750-M ang kinikita ng mga pelikulang kasali sa MMFF.

Mukhang magpupulitika na rin? Heart nawiwili sa probinsya

May nag-iisip na malamang daw, sooner or later ay sasali na rin sa pulitika si Heart Evangelista-Escudero.

Pero hindi raw sa national election kundi sa local. Nadadalas daw kasi ang pasyal ni Heart sa Sorsogon, sa probinsiya ng kanyang mister.

Noon kasing nakaraang Pasko ay nagtungo ang aktres sa nasabing probinsya upang magbigay saya sa mga bata lalo na sa mga nasalanta ng bagyong “Nona” at “Onyok.”

Namigay ng mga laruan si Heart sa mga bata, kasama ang kaibigang si Princess Violago noong Dec. 23.

“A piece of my heart was left in every place we visited today in Sorsogon. Salamatunon asin Dios mabalos. Merry Christmas #mahalkongsorsogon,” sabi ni Heart sa Instagram sa isang picture kasama ang ilan sa mga batang nakatanggap ng laruan.

Isa ang Sorsogon sa mga probinsyang labis na nasalanta ng huling dalawang bagyong nanalasa sa bansa noong 2015. Agad daw nagtungo ang mag-asawa sa kanilang probinsiya.

So puwede kayang sa Sorsogon kakandidato si Heart kung saka-sakali?

Nagpasikat kay Nora ibabalik, Mariel at Amy permanente na sa Showtime

Ibinalik ng It’s Showtime ang patok sa masang Tawag ng Tanghalan.

Pinasikat ng naturang patimpalak ang ilan sa mga haligi ng industriya ng musikang Pilipino tulad nina Nora Aunor, Pepe Pimentel, at Bobot Mortiz. At ngayong 2016, mga bagong talento mula Luzon, Visayas, Mindanao, at Metro Manila ang muli nitong bibigyan ng pagkakataong maisakatuparan ang mga pangarap.

Apat na contestants araw-araw ang magpapagalingan sa pagkanta at magpapahanga sa mga hurado. Ngunit ‘pag nawala sa tono ang mang-aawit, tutunog ang gong na hudyat sa pagpapatigil sa pagkanta ng contestant. Malaking premyo rin ang naghihintay sa magiging defen­ding champion na magkakamit ng P25,000. Mag-uuwi naman ng consolation prize na P5,000 ang mga hindi mapipiling mang-aawit.

Nag-umpisa na nga ang tagisan ng galing sa kantahan nitong Sabado (Jan. 2) kung saan naglaban-laban ang apat na contestants mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Hinirang na kauna-unahang defending champion si Michelle Arcain mula Davao City at magbabalik ngayong Lunes (Jan. 4) upang muling patunayan ang kanyang angking galing sa kantahan.

Ngayong linggo, magsisilbing hurado ang singing legends na sina Rico J. Puno, Rey Valera, at Bobot Mortiz kasama sina Nyoy Volante at Yeng Constantino na kikilatisin at magbibigay ng komento sa performance ng aspiring singers.

Samantala, sabay sa pagbabalik ng Tawag ng Tanghalan, opisyal nang parte ng barkadahan ng It’s Showtime sina Amy Perez at Mariel Rodriguez-Padilla. Lubos na nagpasalamat sina Amy at Mariel para sa tiwala ng ABS-CBN ma­nagement at ng madlang people at bumati ng isang Manigong Bagong Taon sa lahat.                                                                      

vuukle comment

ACIRC

AMY PEREZ

ANDOY RANAY

ANG

ASAWA

BOBOT MORTIZ

LUMAYO KA NGA SA AKIN

MGA

NBSP

SHOWTIME

SORSOGON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with